Everytime na makakakita ako ng henna tattoo naaalala ko yung pag papa-Henna ko way back 2014. It was a G-Cleff sign, yes maganda pag kakagawa then nung nabanlawan na sabi ko aba parang totoong tattoo ah may papula effect pa sa gilid. At first i thought that was normal but as time passes by i noticed na medyo kumakati na sya nung una kasi araw hanggang pangalawa akala ko yung kati dahil lang sa basa pa yung ink or king ano pang tawag don then umuumbok na din sa part na may tattoo. Ang nakakatawang pang burado na as in yung henna tattoo wala na kahit bahid ng pag kaitim pero yung balat ko may namumula at naka alsa pa din na G-cleff! Hahahaha sa sobrang galing ng nag drawing kitang kita yung pag kakahubog non dahil sa pula at alsa. At doon ko nalaman na allergy pala yorn kaya mula noon di ko na ulit sinubukan.😅🤦
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet