Walang title hahaha At dahil rest day ko nga po eh yeah nag prepare po ako ng lunch namin nag crave lang baga sa Aftritada. Sino ba naman kasing aayaw sa Aftritadang Maraming sili divaaaaah?! At dahil nga ako ay nasa bundok ngayon at ginabi ng uwi kahapon kaya ayan po kinakawayan nanaman kayo ng masayahing bubuyog hahaha. Fast food at its finest jusko pang MMFF talaga! One week edition hahaha. Natatandaan ko dati nung bata ako panay ko pinoproblema kung paano ako makakapag Jollibee hahaha. Minsan winiwish ko pa na magkasakit para lang maibili ng jabi kaso sa kasamaang palad hindi ako sakitin nung bata ako talagang mabibilang mo lang sa isang kamay hahaha ganon ako ka story dati sobra immune sa mga taong mukhang flu hahaha chaaaar! Pero ngayon nakakatuwa lang kasi yung napakalaking bagay pala na big deal saakin noon at isa naman talaga sa napakalaking problema ko eh parang alikabok lang pala ngayong adult na hahaha naks naman! Itabi mo ma, ako na hahaha charot. Anyway nag back read ako sa mga post and time ko dito grave pala yung pagiging dormant ko aney? Hahaha bulkan lang ang peg so ayun bigla akong napaisip, "ganon na ako ka busy? Nawawalan na ba ako ng time?" First time ko talaga yung ganto even before sa manila kahit grabe yung work load, i always have a time, panay ako nakakagawa ng paraan para mag katime. Pero bakit kaya ngayon ang hirap? Alam nyo yung feeling ng 6:45 palang nagaabang kana ng sasakyan papasok ng work tapos kapag uwi makakauwi kana ng 7pm? Friday and Sunday ang rest day ko, yes friday talaga kaso may adjustment pa kasi ngayon, tapos yung sunday naman eh alternate sa pasok minsan meron minsan wala. Parang nakakasakal? yung tipong restday mo pero imbis na igala mo or ienjoy mo, itutulog mo nalang talaga eh pagodang tunay ang ate nyong grh0rl hahahaha.
2 comments
Fave ko din yang madaming sili! Enjoyy po kayo sa pagkain at rest well din.
Masarap po neh? Hindi nakakaumay kainin kasi sis kapag maparas at talagang nakakagana po kumain.