Jusko bigla akong napalinis ng Electric fan! Ganto kasi yun, sarap pa ng higa ko kanina eh tapos panoise-noise lang and bantay Market Price hahaha. Nung bigla kong maamoy yung sinaing nung kapatid ko na nasusunog. Edi bilis ko ng labas sa kwarto. Hanggang sa scretchhhhhh! Ekkkkkkk! Tiktitktiktitk hahahaha sound effect po yan nung nataob na electric fan hahahaha. Nakalimutan kong sa may labas pala nakasaksak yun kasi hiniram yung extension. Bali yung efan nasa malapit sa pinto tapos nakasaksak sa sa labas ng kwarto hahaha di ko alam irereact ko eh kung tatakbuhin ko ba muna yung sinaing o uunahin ko yung efan. Nakadalawang balik pa ako bago ko tanggalin muna yung saksak tsaka ko pinuntahan yung sinaing. Naawa ako bigla sa efan ang dumi na pala hahaha. Tapos nalalas pa yung takip nung pagkakabagsak. Grabe ang tibay talaga ng standard! Pang malakasan. 😅🤣
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet