read.cash Log in
@Tacobells more from that month

Kanina habang nag bbrowse ng facebook biglang nagulat ako kase sunod-sunod yung notification ko from messenger. Tapos yung preview na lumalabas mukhang mga andaming nilang tanong. So ako naman itong naki chika na din hahahaha sabay bukas ng messenger at back read sa mga pinag uusapan nila hahaha. So ayun nga ang unang nakita ko ay yung mga requirements and announcement na bukas na daw ang bigayan ng AYUDA NG BARANGAY/FINANCIAL ASSISTANCE. Syempre ang ate girl nyo di papahuli sa hanapan ng pangalan hahaha hinanap ko talaga ang saamin at nag baka sakaling kasama kami kahit di kami panay nauwi doon sa bahay sa bayan. So ayun after sumakin ang mata ko kaka scan ng mga pangalan nahanap ko din hahahaha. Bukod ang pangalan naming tatlo nila mama dito sa bundok at sa pamilya ng kapatid ko. Salamat naman at naalala nila kami hahaha. Sa nakikita ko mukang walang pamilya na ang mag rereklamo ngayon hahaha kasi halos lahat nandoon na ata eh sa sobrang dami ng pangalan. Pero sana lang maayos ang maging flow bukas at huwag mag kagulo. Bababa pa pala ako bukas para sa I.D ano ba yan! Akala ko pa naman eh maghapon akong matutulog, mahihiga at mag papahinga haysssss di pa din pala hahaha. Bili nalang ako chibog at grocery namin bukas para naman di sayang ang baba ko at maging productive ang araw ko. Kayo po kamusta naman mga financial assistance nyo?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.