Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon at nalulunod sa batikos ng mundo, sa kung ano lamang ang kaya ko...🎶 Every FRESH GRAD can relate even din sa mga naka graduate 2-3years ago. Eto yung sinasabi ko kagabi na gusto kong ishare na sana maging bukas sa mga kabataang tulad ko, paka intindihing mabuti at wag sanang masamain. Gusto ko lang naman mas lumawak at maging bukas ang isipan at mata nyo sa realidad. Im not saying this to drag you down BUT TO PREPARE YOU ALL FOR THE REAL WORLD. Maganda yang mga reason nyo and mga pag lilift nyo sa sarili nyo na "laban lang kung nahihirapan na kayo kase para sa inyo din yan, isipin nyo nalang na need nyo makasurvive at pag igihan yan para makatapos at makahanap ng magandang trabaho in the future" which is correct yan ang turo din saatin ng mga magulang natin and i had the same mindset and thinking nung student palang din ako. That's why i really did my best para mag excel kahit paano sa school and maka graduate ng may magandang records para makahanap ako ng magandang trabaho. To make the story short "ITS A PRANK!" "ITS A TRAP" "FAKE NEWS" Wahahahahaha. Hindi ako naniwala sa mga sabi-sabi dati until i graduated and nadanas ko. Nadanas halos lahat ng mga kabatch ko kahit di ko ka school mate. Sorry kung medyo babasagin ko kayo sa part na "kapag matalino or deans list, pasado sa board" eh ikaw na. Yup maybe edge mo sya pero depende sa sitwayson. (To all of my classmates/friends here sorry na agad, gusto ko lang ipakita sa mga studyante dito ang realidad no harm done ah? Mag kopi nalang tayo some other time hahaha) So yun back to my speech having those things is not a guarantee that you can find a job easily. Yang po ang nasakit na katotohanan. Darating ka din sa buhay mo na maiisip mo na "DIPLOMA IS JUST A PIECE OF PAPER" bakit ko nasabi? May friend ako na nasabisang private company ganda ng work syempre may pinag aralan eh. Pero wag ka dibhamak na mas malaki ang sahod ng janitor kesa sa kanya (di ko po hinahamak ang mga janitor ah? Mataas respeto natin jan kasi may mga relatives din akong cleaner) One more thing isa pang masaklap na katotohanan? Pansinin nyo may mga employer na mas tinatanggap ang bihasa kesa sa newly grad na with latin honors and kapag nagkasabay mag apply ang passer na mas matalino sa ordinaryong mag-aaral na may kapit sa loob hahaha di ba ang hina-hire is yung may backer? Eto madalas to nang yayari. Alam kong pansin nyo din at maraming namumuna. "Tapos ng course na ganito, pero iba ang trabaho" wag natin silang ijudge hanggat di tayo dumadating sa point na naghahanap na ng work. Maiintindihan nyo ako soon. Pero minsan naiinis ako sa mga COLLEGE GRADUATE NA MAARTE! Yung antaas ng pride! Ayaw pasukin yung trabaho nanhindi nya pinag tapusan kasi nakakahiya daw? Duh! Mas nakakahiya ang tambay! Mas nakakahiyang makita na college grad ka nga pero naka asa ka ka sa magulang mo! Mas nakakahiya yung daig kapa ng hindi nakatapos. Pero minsan di mo na din talaga masisisi. Sa panahon kasi ngayon lalo na saamin? Pang front nalang yung mga hiring sa Gobyerno. Kunwari hiring pero ang totoo may lima hanggang sampu nang naka line up. Alam ko yan di na ako mag kakaila dahil minsan din akong nai-line up hahaha. Wala na din naman tayong magagawa eh ganito na talaga ang kalakaran sa pinas. Alam nyo ba yung first job ko is dun talaga ang punta ko pag ka grad sa mga ganong klase ng trabaho. Pero habang tumatagal naisip ko na hindi yun ang gusto ko at posibleng mangyari din sa inyo yan. May nakasabay din akong nag apply doon na lisensyado at matagal na sa industriya pero ako ang pinili. Al nyo kung bakit? Dahil sa MBA ko(May backer ako) hahaha and sabi din nila sa office is mataas mag demand mga ganon minsan di na makatarungan. Sa totoo lang marami pa eh pero ero nalang muna siguro since lahat tayo sa work naka focus pag graduate. Again di ko kayo dinadown neh? Gusto ko lang ipamulat na kahit nag eexcel ka sa school kung wala kang backer wala lang magiging magandang work, meron pero napakadalang at swertihan. Ako na nag sasabi nasa labas ang tunay na laban ng buhay kaya sa mga hirap sa school sa acads ok lang yan wag nyongbiisipin na mahina kayo basta galingan nyo sa labas. Diskarte ang puhunan. Daig ng may backer at madiskarte ang matalino hahaha. Soon maiintindihan nyo rong post ko na to kapag nasa sitwasyon na kayo.😉
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet