Sunday OT. Trabaho sa araw ng Linggo Kanina habang nag aabang ako ng masasakyan sa kanto ng Bagong Silang papasok ng trabaho sa Limay eh biglang may bumaba ng trike na magaabang din ata ng bus. Pababa palang sya ng tricycle eh naagaw na ng mga dala-dala nya yung atensyon ko hahaha syempre naman mga mamser chibog to hahaha. So ayon nga po may pasok ako ng Sunday and yes Ot nanaman to hahaha sana maisama sa sahod ng 15 para masaya yung pasko namin hahaha. Tapos bukod sa pa OT nila eh may pa allowance pa na 300 for food namin kaso ang sad lang kasi walang nabibilan dito sa limay. So ayon nga balik tayo sa palutong hahaha. Bet ko sanang tanungin si kuya at bumili kaso naunahan ako ng hiya hahaha natabunan nanaman ang kakapalan ng pagmumukha ko maaga pa kasi eh hahaha. Pero di ko talaga maisip kung bat pa kami pinapapasok pag sunday eh parang walang kwenta din naman hahaha. puro kain nga lang kami ngayon ay tas konting calls at ayos sa ware house. Pero di na talaga ako nakakapag me time bet ko pa naman mag hihiga sa bahay ngayon kaso yun nga may pasok ngayon tapos hanggang 6pm pa tas may pasok na din bukas hayssssss. Pagoda talaga ang ate girl nyo hahaha.
4 comments
Grabe ka talaga mag work sis.. ingat ka. Pahinga din pag may time
Palagi din po kayo mag iingat heheheh. Sayang po kasi eh dalaga naman po ako kaya maraming time para mag OT and pabor din naman po saakin yon
hataw po mam sa o. t ah naku laki sahod mo nyan tapos may 13nth mont pay pa ansaya ng pasko hehe.,
Hahahaha syempre po para sa future para maraming ipon at para din masaya ang inay at itay sa pasko hahahaha