Full video: https://youtu.be/WMlZW670dJE "CELEBRITY" BASURERO? Namangha ang mga netizen sa kakaibang transformation makeover ni Dennis Pascual, isang basurero sa Angeles City. Ginupitan, binihisan at isinalang pa siya sa photoshoot ng hair and make-up artist na si Richard Strandz. Ayon kay Strandz, likas na sa kaniya ang pagtulong sa mga kapos palad lalo't naranasan rin niya ang mangalakal ng basura. Plano ni Strandz na i-enroll si Dennis sa gym para mapangalagaan ang pangangatawan at kalusugan nito. (Photos: Richard Strandz) | via Trisha Mostoles #FilipinoCommunity
No comments yet