read.cash Log in
@Swizzak more from that month

🥺😭 hello ka-Noise! before I sleep, I usually scroll on TikTok. just having fun (pampaantok na rin). pero grabe itong nadaan sa fyp ko. I saw this interview clip of Hasna, former PBB housemate. grabe I almost cried. (sumisikip na rin dibdib ko while watching). If you don't know, Hasna is a mother of 2 special children. Grabe ang hirap ng dinanas niya, based on how she told her story no'ng nasa PBB pa siya. Pero ang hindi ko alam ay itong nangyaring interview niya na she almost killed her children pala para magawa niya ring patayin sarili niya afterwards. According to her, nilalagyan niya na ng insecticide ang mga pagkain ng anak niya. Buti na lang that time tulog pa mga anak niya kaya nagdasal muna siya (at iyon 'yong sinabi niyang the best na ginawa niya). Galit siyang nakikipag-usap kay Lord and dumating sa point na minumura na niya. Fast forward, grabe ang naging answer ni Lord sa kaniya. Dahil sa sobrang iyak niya, she bumped the book shelf of her daughter. Doon nakita niya ang math notebook ng anak niya which is may moment sila roon na binibigyan niya ng advice anak niya since nahihirapan itong maunawaan ang math. With that, she realized na binalik ni Lord anuman ang sinabi ni Hasna sa kaniyang mga anak. (grabe if you're gonna watch the interview, you'll imagine how hard the situation she's been through.🥺) Here is the yt link where you can watch the full interview: https://youtu.be/LQ-3sivrT1I Isa ito sa nagpapakita na kakaiba talaga si Lord. Na kahit anuman ang ginawa, gagawin, o magagawa nating kamalian, nariyan siya para magpatawad at tulungan tayo sa hirap na ating dinaranas. HINDI NIYA TAYO PABABAYAAN! (Hindi NIYA tayo pinababayaan sa araw-araw) Grabe ka Lord, talaga. 🥺🙏 Thank you, everyday. #GodisGreat #noisecash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.