read.cash Log in
@Swizzak more from that month

"TANGING INA"πŸ€±πŸ’ž Whatttt is up, mga ka-FSFG! Yesszz we know what most of us are celebrating for, right? or left? charizzzz. Of course, I want to say HAPPY MOTHERS' DAY sa lahat ng ina sa buong mundo. ❣️ And, here is my mom. I am really happy to flex with you my beloved, beautiful, and super caring mom. Grabeee ang daming mga sakripisyo ang pinagdaanan ni mama at nananatili pa rin siyang nandito sa aming pamilya. Na kahit mahirap ang mga pagsubok na dumarating, hinding hindi siya sumuko. And, hinding hindi niya kami iniwan. ☺️ I want to share this almost heartbreaking story of my mom. I remembered 'yong time na (owemjiii naiiyak ako while typing this πŸ₯Ί) nagkasakit si mama. Actually, kung pina-doctor namin siya noon ang masasabi sa kanya ay may 'breast cancer'. Pero, kami kasi ang pamilya na talagang hindi afford makapag hospital kaya kumakapit / nagtitiwala kami sa mga herbal ('yong mala probinsya na panggagamot). if you know that, you can relate with this. At ayun heto na, may bukol kasi si mama sa kanyang breast. That time, sobrang grabe hindi namin alam ano gagawin at puro buhos ng luha ang bumabagsak sa mga mata naming lahat. syempre, lalong lalo na si mama. Buti na lamang may nakilala si papa na manghihilot at naka encounter na siguro ng ganitong sakit. Sobrang PRAISE GOD tlaga. Kasi sa ilang buwan na hilot ang ginawa kay mama sa kaniyang breast at pagtapal ng dahon na serpentina, gumaling si mama. Nawala po bukol niya, as in. πŸ™ Na hindi kami nagpapa hospital. Thank God po talaga. Sobrang grabe ang pasasalamat namin kay Lord dahil sa miracle na ito. Kaya hetong parang maituturing naming 'second life' ni mama ay napaka blessed naming lahat. At hanggang ngayon ay nakakasama namin siya. Bilang anak niya, I am always doing the best I can para maging proud po siya, mga ka-FSFG. kahit na napaka strict niya at naffeel naming napi-pressure kami sa kanya when it comes to acads, okay lang sa aming magkakapatid basta ikaka proud niya. Deserve ni mama ang sobrang happiness every day. Kaya susurpresahin namin siya later on. After ng aking serve sa church. But, binigyan na siya ni papa ng flowers pero actually may konti silang tampuhan.πŸ˜… Lam nyu naman, mag-asawa telegee heyysshh. Pero papasayahin namin si mama. Nagpost na ako today para makapag greet na kaagad sa mga Mothers dito. Nonetheless, nakapag greet na rin ako kay mama kanina nang pagkagising ko kaya happy siya.☺️❣️ Again, HAPPY HAPPY MOTHER'S DAY sa'yo aking mamskiiieee. You da bes. I love youuu po. #HappyMothersDay2022 #TangingINA #DaBesMom

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.