read.cash Log in
@Sweetzyle22

@Sweetzyle22 in August 2021

@Sweetzyle22

Merienda tayo mga kaingay ng balisuso o suman.Ito ay gawa o niluto sa giniling na malagkit na bigas o glutinous rice flour,buko juice,grated young coconut,asukal at binabalot sa dahon ng saging.Isa din ito sa mga kakaning favorite ko.Ang sarap ng pagkakaluto,merienda namin dito ngayon at pakain sa mga dalaw.Cravings satisfied ako today wala ako nabibili nito sa laguna.Magandang hapon sa lahat...

@Sweetzyle22

Igado Iba iba luto ng igado merong saging lang na saba sahog at siling haba pero masarap na.Kadalasang igado kasi ganito ang luto minarinate muna sa tuyo at suka at rekado bago igigisa ang gulay na lahok carrot,patatas,baguio beans,sili haba at lalagyan lang tomato sauce.Masarap din siya pagka maanghang.Ito ulam namin dito ngayon kakakain lang eh kakain na naman daw puro kain na lang.Maya maya pa ko kakain busog pa hintay ko muna gulay.Kaumay pag karne kasi pero ang sasarap…

@Sweetzyle22

Hays hirap makapag upload ng pic.1week nadin pala kami dito bicol.Dapat bago mag ecq makabalik na kami ng laguna.Mahirap lang naman ata pag mga uuwi ng probinsiya kasi maghihigpit na naman sila.Hindi pwede magtagal at kailangan din pumasok sa trabaho si hubby at hipag ko.Feeling ko lalo nadagdagan timbang ko dito maya't maya ang kain haha.Kakatuwa naman anak ko akala ko hindi na marunong magmano sa mga matatanda kasi lagi na lang nasa loob ng bahay,kahit hindi sabihan na…

@Sweetzyle22

Gabi na naman mga kaingay kain na po kayo diyan.Aga ko pinakain ni hubby ng stofadong itik ayaw talaga ma upload huhu.Hirap ng naka data hina din signal dito.Wala na talaga ko pili pili sa pagkain ngayon.Dito lang ako nakatikim ng mga gantong pagkain pato,itik at kambing pero masasarap naman sila depende na lang talaga sa luto.Wala ng kaarte arte sa pagkain buti nga at may makakain pa kaya kailangan ipagpasalamat yun...3 days to go back to laguna na kami nakapagpa sked.din…

@Sweetzyle22

Nakapagpakain na at nagpa kape na sa mga naglalaro sa labas bantay muna saglit bago matulog.Inantok ako sa laro namin na B_ _ _O talo kasi haha.Bawi bukas naman ng gabi binawian ako ngayon hehe.Hindi ko talaga kaya magpuyat antok na naman ako.Magkakain na lang ako pantanggal antok.Tulog pa papalit sakin...Pag sa probinsiya talaga ang dami lagi bisita pagka may patay.Magdamag sila naglalaro kakatuwa kasi naglagay na tv at dun nadin sila nanonood online sabong laki din ng tong…

@Sweetzyle22

Good morning noisemates kain tayo ng puto bigas o puto bao.Ganito na lang siya kaliit ngayon.Ito ay gawa sa giniling na bigas at may bukayo sa loob niluluto siya sa bao na maliit at pinapasingawan lang.Lagi kami nabili nito pag nauwi dito sa bicol.Grabe init ngayon makapaglaba muna para konti lang dalhin namin na labahin pag-uwi namin,kahit saan magpunta ang init na talaga kaibahan lang dito may hangin kahit papano.Late na nagising at madaling araw na nakatulog.

@Sweetzyle22

Bantay muna habang tulog pa papalit sakin.Katatapos lang maglaro ng bingo bawi lang talo kahapon.Ang bibilis nila alam ko lang laruin yung reg.bingo at may mga pattern online kasi ko dati naglalaro ngayon ayaw ko na.Sobrang hirap ng pera ngayon para lang waldasin.Ang mamahal ng mga bilihin kaya ultimo barya sayang na.Buti hindi ako kagaya ng iba na kahit wala na eh manghihiram pa para lang makapaglaro.Tamang libang lang noon pantanggal ko lang ng stress pero ngayon stop na…

@Sweetzyle22

Hindi na ko nakakapanood balita puro cartoons kasi pinapanood dito gawa ng mga bata.Pahirapan pagbalik nito ang daming checkpoint sana naman hindi kami mahirapan na galing dito bicol.Yung mga pauwi ng province niyan hirap na namang makauwi.Buti nakasama pa kami ng anak ko dito.Hindi kagaya last year ng mamatay biyenan kong babae hindi kami nakasama ng anak ko at sobrang higpit noon.Ang daming req.na kailangan dahil buntis ako nun hindi na ako pinasama noon ni hubby at…

@Sweetzyle22

Kainis hindi ko alam na aso pinakain samin ni hubby aga kasi naming kumain pero masarap siya.Iinis ako sabi ba naman kasi kambing eh meron naman na luto na dinuguan at paksiw at nagkatay naman ng baboy.Ngayon lang talaga ko nakatikim ng karneng aso na yan para akong masusuka eh!akala ko ba bawal na katayin mga aso.Buti pa pato,itik at kambing ok pa at malinis mga yun.Ang dumi pa naman ng aso kong ano-ano kinakain buti kong pulutan lang ok lang buti tikim lang akin.Naalala ko…

@Sweetzyle22

Back to laguna na...God bless our trip.Sarap na sana dito sa probinsiya...kong buhay lang sana mga biyenan ko pwede pa kami mag stay dito at transfer ko anak ko dito.Mas safe kasi dito kesa samin.Nakakalabas pa sana anak ko dito at madami pa kalaro,kulong na naman anak ko nito kakaawa naman.Sobrang higpit na nito bukas sakto dating namin.Namiss ko na mga alaga ko.Magandang hapon mga kaingay.

@Sweetzyle22

Omg bigla ako kinilabutan sa nadaanan namin may tumaob na sasakyan.Kakaawa may bata pa naman sa loob ng sasakyan😢.Pano kaya nangyari yun wala naman kabanggaan.Bagong bago pa sasakyan nila ang layo pa naman ng ospital.Ang aksidente di natin alam kong kelan mangyayari kaya dapat slowly but surely.Mabilis siguro magpatakbo yun.Pahinto hinto tuloy kami baka kasi antukin driver namin.

@Sweetzyle22

Thanks god for the safe trip...Hindi nga lang ako nakatulog ng maayos sa biyahe natakot talaga ko sa nakita ko sa daan kanina.Mga kasabayan pa namin malalaking truck.Kaya tutulog muna kami bago maglinis.May mga checkpoint na kaming nadaanan pero tulog sila haha.Mamaya pa mga yun maghihigpit mabilis biyahe namin patigil tigil lang kami at inaantok driver namin.Hindi daw kasi siya makatulog ng maayos.Idlip muna ako balik ako mamaya...Good morning everyone.