Good morning breakfast namin ngayon pansit bicol di ako nagsasawa dito ang sarap
@Sweetzyle22 in May 2021
Araw-araw nag iisip lagi long ano maiulam di sanay ng nagba budget weekly minsan kong ano na lang makita sa palengke haha buhay nanay
Super init na naman sarap sana mag malling kaso takot pa pumunta sa mga mall tiis tiis muna sa bahay...
Yung sunod sunod dating ng order ko tapos si hubby ang nakaka receive haha nahiya tuloy ako buti di nag rereklamo sakin...Tukso kasi si shopee 🤦♀😂
Happy lunch time Adobo sa gata na pusit ulam😋
Meryenda time mga ka noise kaka deliver lang hehe
So cute ng alaga kong rabbit lion head breed
Happy lunch time mga ka noise ... Ulam namin bicol specialty pinangat ma trabaho lutuin to buti na lang may nagtitinda dito samin taga bicol din ...
Namiss ko junk foods napabili tuloy hehe sarap may softdrinks kaso baka umatake uti ko nito😔
Good night na mga ka noissy bukas naman ulit antok na😴😴😴
When you arise in the morning, think of what a precious privilege it is to be alive, to breathe, to think, to enjoy, to love.” Good morning everyone
Everything in your life is dictated by you.Be who you want to be.Think positive thoughts and great things will happen to you.
Done marinated chicken ready to cook in air fryer😍
Malungkot ang nami ko yes malapit na din mag buntis yan bigyan mo ko ng madaming baby😍
Done cooking eat well mga ka noissy Yan muna at kami lang ng anak ko ang kakain saka na ko luluto ng whole chicken hehe...
Pampawi ng init kainit talaga mga ka noissy ka dedeliver lang...Halo-halo
Your work is going to fill a large part of your life, and the only way to be truly satisfied is to do what you believe is great work. And the only way to do great work is to love what you do. If you haven’t found it yet, keep looking. Don’t settle. As with all matters of the heart, you’ll know when you find it.
The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.
Being CHUBBY is not easy, tatawagin ka nilang baboy kahit hindi ka naman kumakain ng BMEG 🙄 😂
Masakit na ulo ko bukas naman ulit mga kaingay...goodnight😴😴😴
Thank God every morning when you get up that you have something to do that day, which must be done, whether you like it or not. Good morning everyone stay safe 🤗
Maulan na umaga sa wakas umulan din mabawasan lamang ang alinsangan...katamad tuloy mamalengke pagka ganitong naulan hehe
Masarap mag ulam pagka ganitong maulan tuyo na may noodles sa umaga at sa tanghali sinabawan kagaya ng bulalo sarap...kayo mga ka noissy ano gusto niyo pagka maulan na ulam?
Kain pa lang almusal...sarap sana kong may sili yung ginisa ko sarap na naman kain ko hehe kain tayo ka ingay...
Happy lunch time mga ka noissy Sinigang na buto buto for lunch ng may sabaw naman...
Nagkalat na naman ang masasamang loob kakatakot na talaga panahon ngayon,yung alfamart samin nilooban ng madaling araw 😥pinagtataka ko laging may bantay na pulis sa labas nila bakit nangyari yun...
Gandang umaga sa lahat mga kaingay hayss buti nakakapag comment na ko ngayon kahapon di ako makapag comment at post you are posting too fast naka lagay.
The stars and moon arrive just to wish you a good night.Let the light of the moon guide your dreams as you pass the night away. Good night everyone sana bukas maka earn na ko.
Every morning is the symbol of rebirth of our life,so forget all yesterdays bad moments and make today beautiful.Good morning everyone
Pampawi ng init ng panahon araw-araw na lang gusto ng anak ko ng shake eh tamad naman ako gumawa kaya pa deliver na lang hehe masarap naman pagkaka gawa...
There is something about the sunshine that just makes you feel good.The warmth, the brightness, it just lifts your spirit and makes your mood better.Everything needs the sunshine to grow.Look how beautiful even the flowers,trees,yards all look with some sunshine! Who likes to watch the sun rise? It’s beautiful in how it just completely changes how everything looks! What a blessing the start of each day is.Have a Blessed day! Good morning noise fam.have a great day!
Ano kaya tawag sa mangga na to maliliit lang pero ang tamis hindi naman siya indian mango,ang sarap pang shake kaso tinatamad ako haha bukas na lang di naman mainit panahon ngayon makulimlim akala ko nga uulan.Bakit kaya ganito panahon ngayon mag tag-ulan na siguro...diko alam kong may low pressure wala naman ata bagyo na hindi kasi ako nanood ng balita,pero dati pagka ganitong mayo na naulan na naalala ko nga yung pagka unang ulan ng malakas kailangan daw maligo sa ulan…
Kain mga ka noise Ito lang naisipan kong meryenda hehe Pancit canton na may itlog at kimchi ang sarap naman nabitin tuloy ako... Mawawalan na ko gana kumain nito sa gabi. Tinry ko lang to wala kasi ako noodles. Hanap ko sana nachos kaso wala pala ko stock simula ng mag ecq asawa ko na lagi namimili dati kaming tatlo namimili kakamiss din pagsasahod magkakasama kaming tatlo mag anak sa labas at kakain sa labas at mag grocery.
Share ko lang mga ka noise mga award na nakuha ng anak ko...super proud lang ako dahil kahit busy ako rumaket hindi pinabayaan ng anak ko grades niya.Sulit ang stress ko.Busy muna ako mamaya na virtual recognition nila. With high honors Best in English Best in Filipino Most Responsible Online class 2021 Grade1 Batang iMAC
Simpleng handa para sa recognition ng anak ko kahapon... Hindi maka labas kaya nagpa deliver na lang ng mga favorite niyang food. Gandang umaga mga ka noise.
Ang sarap naman ng tulog ng baby boy ko hahaha Puyat kaka gala uuwi lang kakain pano kaya kong ganito din anak ko na lalake hehe Meron kasi ganyan na anak uuwi lang pagka kakain lang sarap buhay lang. Mainit na hapon mga kaingay
This Santan (Coco Jam With Pili Nuts) recipe is not referring to the Santan flower. But is a bicolano language. It’s a coconut jam mixed with lots of fresh pili nuts. Once you taste, you can’t help but taste it over and over again. Addictingly delicious.
Pancit Canton it is a type of Lo Mein or tossed noodles known as flour sticks. This dish is often served during birthdays and special occasions to symbolize long life. It is prepared using a variety of ingredients, which makes it look festive. There is also a combination of different flavors that make it delicious. Good morning everyone!aga nagising aga din kasi nagluto pero tutulog pa din pagpasok ng asawa ko.
Kanina sa jeep, katabi ko si kuyang may dalang lumpia AKO: Kuya anong lumpia po yan? KUYA: Lumpiang gulay AKO: Pabili ako kuya 5, magkano po? KUYA: Order ko 'to, pang birthday ng anak ko. AKO: Ibang pasahero: Kuyang driver: Lupa kainin mo na ko, gawin mo na kong lumpia! Morning mga ka ingay maagang pagpapala sa ating lahat. Smile muna tayo😄 ctto.
Here is an awesome Filipino Laing Recipe just for you.Laing is a Filipino dish composed of dried taro leaves and coconut milk.It was first introduced in the province of Bicol.This dish has been very famous,it is popular within the Philippines and also outside of the country. Umay na sa ulam kaya mag gulay naman,ito yung gulay na gaganahan ka kumain sira ang diet hehe ang daming hipon nasa bowl na kasi.
Magandang hapon mga kaingay! Meryenda time na huwag magpapa gutom baka mamayat haha Meryenda ko ngayon healthy kimbap. Favorite ko to kainin at tsaka california maki. Kayo mga kaingay ano meryenda niyo?
Mga ka ingay ganito din ba maglinis ng isda mga asawa niyo😂 Natatawa talaga ako dito nakita ko lang yan dumaan sa newsfeed ko. Muntikan na mawala ang ulo ng isda haha Kulang na lang tanggalin ang ulo ng isda. Tawa muna tayo huwag paka seryoso. Ctto
Maagang blessing May ayuda galing bicol hehe Iba pag may sariling palayan hindi na kailangan bumili ng bigas. Dati nagpapadala sa amin mga byenan ko ngayong wala na tita na lang ng asawa ko. Ang dami kong pancit bicol na lulutuin mag share din ako sa mga kapitbhay namin..
Tanghali na naman done na magluto. Ulam namin ngayon spicy adobong tahong ang sarap,gusto ko sana baked tahong kaso tinamad magluto haha Sa sunod na lang mapapa sarap na naman kain nito at maanghang hehe Gusto ko din sana mukbang seafood kaso wala ako nakita tindang aliamasag sa palengke. Kainan na naman mga kaingay huwag papalipas gutom...
My creamy maja blanca Iba padin pag sariling gawa hindi tinipid sa sangkap kaso hindi lang ako naglagay ng latik cheesse lang ok na.Dati niluluto ko na to ng high skol ako kaso puro gata nga lang nun kaya nakaka umay.Maganda pag may halong gatas hindi nakaka umay. Kain tayo mga kaingay.
Grabe init kahit gabi na Shake daw kami pampawi ng init. Mango shake at avocado shake. Napalabas pa kahit gabi na. Mas ok pa nga sa labas ng bahay may hangin sa loob ang labas na ng electric fan ang init.
Late breakfast kagigising lang haha Bawi ngayong bakasyon anak ko hindi gigising ng maaga.Tara kain almusal namin ng anak ko dried pusit at hotdog naman sa anak ko. Gandang umaga mga ka ingay...kain muna
Kinunot na pating for lunch Sino po kumakain nito?mas masarap to sa pagi.Isa sa mga paborito ko ding ulam. Sakto pagpunta ko ng palengke may tindang pating bibihira lang mag tinda nito sa palengke kasi endangered specie to.Sanay ako sa pagi niluluto ko.
Ang ganda na sana mag bakasyon pagka ganitong wala na pasok sa klase,kakabagot na sa bahay hanggang kailan pa kaya matatapos tong pandemic na to.Sana nasa bicol kami at mag outing miss na namin yun.Kakaawa lang mga bata ngayon hindi na ma enjoy sa labas lagi na lang nasa loob ng bahay hays...
My homemade sapin-sapin Sabi nila pag marunong ka kumain dapat marunong ka din magluto hehe So ito na nga natuto na din ako magluto ng kakanin,akala ko mahirap magluto pero pag na try muna madali lang pala.Isa sa mga paborito ng asawa ko kaya nag try ako magluto nito at ayon nga nagustuhan naman niya ang sarap daw. Kain po mga ka ingay.
My home made cookies & cream ice cream. Yung anak ko na gusto lagi magpabili ng ice cream sa naglalako kaso takot ako ibili siya kaya gawa na lang ako.Mas yummy pag sariling gawa.Sigurado ubos agad sa mag-ama ko to hehe
Puro blood moon nakikita ko ito na lang akin haha pula naman kulay niyan.Tinamad ako lumabas para tingnan ang blood moon.Bat pagka may eclipse bawal lumabas ang buntis mga ka ingay anong connect nun?
May pa cham for lunch hehe Adobong manok na nilagyan ng gulay na broccolli at cauliflower na may hipon. Wala kasi maisip na lutuin kong ano lang makita sa palengke,ok naman lasa niya yummy naman.Tara lunch na mga ka ingay
Share ko lang to mga ka ingay. Ang cute talaga ng diy invitation na to.Ang hilig sa arts ng mga teachers sa skol ng anak ko.Siya si cookie monster gagradweyt na haha Color pink sa kanila kasi yun ang favorite ng class adviser ng anak ko. Gandang hapon sainyo...
Lasagna for meryenda Nag crave ng lasagna kaya nagpa deliver ako pero hindi ito sa greenwich mura lang pero ok naman ang lasa.Pag-aralan ko din lutuin ito madali lang din ito lutuin pag nasa mood ako at may ingredients syempre hehe
Sikreto sa happy life? Wag tayong mainggit sa mga taong nakikita nating umaangat sa buhay bagkos gawin natin silang inspiration para umangat din. Mas masarap mabuhay na walang inggit at galit sa puso, dahil kung puro inggit, puro pagkukumpara, puro pakikipagkompitensya, anumang achievements ang makamit mo hindi ka makukontento, dahil ang lagi mong titignan yung achievements ng iba. Turuan natin yung mga sarili nating maging maligaya sa success ng iba. Baka sa paraan na yan…
Good morning everyone! Mag breakfast pa lang ako,tara kain tayo sabayan niyo ko hehe Ang breakfast ko ay fried rice,egg at bacon. Nasanay na talaga ako sa kanin sa umaga.Hindi ko kaya pag tinapay lang,sinanay kasi kami ng papa namin noon laging kanin almusal.
Dami ko talaga tawa dito mga kaingay haha Sa mahal ng baboy yung lechon naging ganyan na lang.Tipid tipid daw haha lechon pa din naman yan.Kakatuwa lang talaga yung katawan ng baboy ang liit parang nag diet🤣 Photo not mine
Happy lunch time noise fam... Pininyahang manok niluto ko madali lang lutuin.Mas ok to kesa sa baboy ang mahal kasi ng baboy tsaka favorite ng anak ko yung carrots.Tara kain tayo at huwag papalipas gutom.
Hay salamat umulan din ng malakas nawala alinsangan,buti na lang nakauwi na kami galing mall.Balak pa naman sana ng asawa ko gabi na kami pumunta di naabutan sana kami ng ulan buti na lang inagahan namin.Musta sainyo umulan din ba? Gandang gabi sa lahat.
Matutulog na lang kakain pa. May pa midnight snack pa paano tayo papayat nito haha Minsan lang naman to at napa take out kanina.Nakaka miss kasi nung wala pa pandemic sa labas kami nakain pagka sahod ng asawa ko at mag grocery kaya ngayon minsan gawa ko na lang nagpapa deliver na lang ng foods.Burger mcdo na lang na tira,kain tayo sa mga gising pa diyan hihi
Gandang umaga...aga ko nagising Kagabi naghahanap kami case ng phone ng anak ko.Nagandahan ako dito at nagustuhan din ng anak ko.Gusto ko sana kulay green kaso anak ko gusto naman niya is kulay purple.Sayang walang ganyan para sa cp ko.Maganda ba mga ka ingay?
Katatapos lang maglaba pahinga muna saglit at pawisan ako.Magluluto pa ng tanghalian ginataang tulingan lulutuin ko.Tuwang tuwa na naman alaga kong pusa nito at isda na naman ulam pero may binili din ako isda para sa kanya.Nakapagluto na po ba kayo mga ka kaingay?ano po ulam niyo?
Done na magluto. Tara kain na po tayo sa mga hindi pa nakain diyan.Ito na yung niluto kong tanghalian.Ginataang tulingan na may talong.Wala kasi magandang pechay sa palengke kaya yan lang gulay ko.Purong gata nilagay ko kaya ang yummy.Happy lunch time!
Yey!buti na lang may nagtinda nito ang sarap kasi nito.Chocolate moron for meryenda.Gawa sa giniling na malagkit na bigas to na may cocoa or chocolate at may mani na binalot sa dahon ng saging.Sa bicol tawag namin dito aroyo plain lang siya pero ang sarap.Nakakakain lang ako niyan noon pag may mga okasyon kagaya ng fiesta,birthdihan at anniversary. Meryenda po tayo ka noise mate.
Gandang hapon ka noisemate Mga bata talaga ngayon puro gadget na.Samantalang noon nagka cp lang ako college na kasi need ko ng contact noon.Tablet sana pinapabili ng anak ko kaso baka madali na namang ma sira.Sabi namin cp na lang para mas matibay at tsaka mura lang kasi sayang pag nasira lang,7 yrs old lang naman gagamit.Tama na sa kanya ang Realme c11 2021 pang games niya lang naman. Nakakapang hinayang lang kasi ibili ng mahal.Yung cp niya na iphone ok pa naman charger…
Ang ganda naman ng kulay na to. May bago na naman ako oorderin sa shopee mura lang siya.Dami ko na naman naka add to cart na adik na talaga ako kaka order sa shopee puro gamit naman kinukuha ko sa bahay at di makapag shopping.Mahilig talaga ako sa mura haha buti ok naman mga naoorder kong gamit kay shopee. Gandang umaga ka noise mate.
Nakapag prepare na ko ng lulutuin kong lunch namin.Medyo matagal tagal na din hindi nakapag luto ng favorite namin na igado.Ang mahal kasi ng karne hindi na bumaba ang presyo.Ito na naman may carrots ang fav.ng anak ko,para ganahan ulit kumain.Linis muna ko saglit pagkatapos luto na ko. Mas gusto ko sana yung lutong bicol na igado saging na sabang hilaw at sili lang sangkap ang sarap na.Sa asawa ko kasi ganyan gusto nila na sangkap carrots at patatas lang.
Tapos na magluto ng igado Kain na kami kain na din kayo diyan mga ka ingay sabayan nyo na kami hihi Ano po niluto niyo ulam?tara share tayo ng ulam hehe Sarap ng kain ng anak ko nito at ng asawa ko. Happy lunch time po.Happy eating!
Kahit walang pumapansin sa post ko magpopost padin ako hehe Meryenda time na mga ka noise.Ito lang meryenda ko.Egg Mayo Sandwich.Nakalimutan ko kasi magpabili ng palaman ko.Kaya ito gumawa na lang ako ng sarili kong palaman.Boiled egg,Mayonaisse,Pinch of salt and chessee lang tsaraaannn may sarili na akong palaman.Mas masarap sana kong may gulay nakalimutan ko bumili kanina ng lettuce. Meryenda na din kayo diyan mga kaingay.Ano meryenda nyo diyan?
Magandang Gabi Pilipinas Share ko lang to dito kami naka connect ng internet.Kaya ang laking tipid din namin.Monthly namin 8 hundred lang.Hotspot tawag diyan sainyo meron din ba ganyan?mas ok ganto pag nagka problema sa net madali lang puntahan at hindi na kailangan tawagan pa.May pang back up din pag sakaling nagloko net namin.
Magandang umaga ka noise mate aga ko na naman gumising para ipagluto si hubby ng almusal niya.Pagka alis niya tutulog ulit ako hehe Ngayon lang makaka bawi ng tulog gawa ng wala pasok anak ko bakasyon din muna ako sa bahay nga lang😂Sino po mga gising na din tulad ko at nakapagluto na ng almusal diyan?