My simple happiness as OFW
****Wanna flex my awesome sponsors, thank you for the support always**** Magandang buhay sa lahat, kumusta ang araw natin ngayon? Ako masaya na at kahit papaano umambon kahapon dito sa Kuwait, akala ko dina magtatagpo ang landas namin ni ulan chaarrr biro lang. Marami ang hindi maganda ang pakiramdam dito isa na ako doon, marahil dahil na din sa pagbabago ng panahon, summer to winter na kasi. Tatlong araw na din di maganda ang aking pakiramdam ngunit dahil isa akong OFW at kasambahay, bawal magkasakit kung maaari, bawal humiga kung kakayanin pa dahil mas lalong lalala ang ating kalagayan, laban lang ika nga. Tatlong gabi na rin akong di nakakatulog ng mabuti dahil sa aking runny nose minsan blocked nose, ah ewan nga bakit minsan blocked minsan runny hehehe ang gulo pero yon na yon ayieee. Minsan natatakot din ako at naglalaro sa isip ko na baka ito na yong tinatawag nilang covid! Astaghfirullah pero sana naman hindi. Inuubo ako paminsan minsan pero kapag napapadalas ang ubo ko short na ako sa paghinga. Ung isang box ng tissue dalawang gabi ko lang yon ubos na. Kaya mula kahapon naisipan kong uminom ulit ng vitamin C para wala na akong marinig pa kay madam hehe. Nakakalimutan ko kasi inumin ang vitamin C ko. Mula magka covid lagi niya kami binibigyan ng vitamin C pero kinakalimutang inumin kaloka. Diko kasi gusto ang lasa pero mula kahapon ng start na akong inumin ulit.
Diko man gusto ang lasa pero pinipilit ko na lang, once a day lang naman haha. Nadagdagan pa ang aking ubo noong gumala kami last Friday at wala akong dalang jacket at super lamig pa tapos sinabayan pang uminom ng napakalamig na softdrinks ng McDonald's! Ayan tuloy nadamay pa yong walang kinalaman hahaha. Nag order ako kanina sa Filipino online shop sa HyperPinoy kasi bigla kong namiss ang mga chips. Ngrequest na din ang bago naming kasama na bumili daw ako ulit ng soysauce kasi miss na niya mag adobo at nagpabili din siya sakin ng iba pang gusto niyang chips, di naman ako masyadong madamot kaya share share na din hehe mahirap maging baguhan, dipa sanay sa mga pagkain sa bansang ating pinuntahan.
Konti lang naman binayaran ko, 11.055 kwd lang kasama na delivery charge, medyo mabait ako ngayon kaya nagbigay pa ng sobra sa nagdeliver ayieee, kung sa php ang binayaran ko nasa 1,800+ php lang, sulit naman marami kaming nabili. Nakabili ako ng dlwang vicks inhaler, sabon, stripsils, mga chips, hotdog, atay ng manok at toyo. Sulit na sulit sa dami. Ung mga chips kumuha na din ang kasama kong uuwi, babaunin daw nia sa quarantine hotel nia hehe. Pinaka mean ko doon is stripsils talaga dahil sa lalamunan ko. Diko kasi gusto yong flavor bg stripsils dito sa bahay, so ayon na nga pinapak na namin ang mga chips pati si kulit ko nakikain na din hahahaha.
Inangkin na lahat ni kulit haha, humingi ako binigyan niya lang ng isang piraso "THIS IS MINE" daw kalokang bata. Ang laki niyan kulit magkakasugat dila mo lol!
Binuksan ko ang stripsils, orange flavor siya. Pagkaubos ko niyan medyo guminhawa ang nagbabara kong lalamunan. Mas matapang kasi yong stripsils dito sa Kuwait kaya diko gusto. Naseparate na ng kasama ko ang kanyang mga dadalhing chips at marami pa din ang natira samin. Mga dalawang araw lang yata ikakain namin nito hahahaha.
Para na kaming nagtitinda nito haha, ang laki pa naman ng mga chips hehe. Eenjoy nalang namin hanggang meron pa. Natuwa ang bago naming kasama at nagtaka sabi meron din pala Filipino chips dito, sabi naman namin oo halos lahat meron dito sa Kuwait lalo na kapag merong day off. Naaawa din ako sa bago naming kasama kasi pinalaba siya ng tambak na labahin sa kabilang bahay dahil pinauwi nila ang dalawang katulong nila noong Thursday, sabi ko sa kanya magreklamo siya dahil labag na yon sa karapatan niya pero dahil baguhan tahimik lang siya. Di naman kami nakikialam baka sabihin pa sa amin na wala nga siya reklamo pero bakit kami ngrereklamo. Buhay ofw, masayang pakinggan pero mahirap kapag nasa katayuan kana nila. Hanggang dito nalang muna at naghihintay pa sa akin ang tambak kong plantsahin hehe, maraming salamat sa patuloy na sumusuporta sakin. God bless you all Insha Allah.
**November 21, 2021 Sunday** **Kuwait time: 8:48 PM** **Article** #75 **(22)** **Photos are mine unless stated otherwise** **Sending of love,** @Sweetiepie ❤❤❤
41 comments
Bigla akong na lungkot,pano pag umuwi kana sissy? Maiiwan ba mag isa bago nyong kasama? anyway pagaling ka sis..try mo snowbear na tinunaw s calamansi juice para sa ubo
Wala ako mahanap snowbear d2 sissy, kaya late ako makakauwi sissy wait ko pa makakasama nia dito, 1st week ng December yata dating nia pero 2weeks quarantine pa kc sinovac vaccinated xa di acceptable d2
Ang daming binili na chips pahingi ng moby,inom sis ng lemon iba na kase ang weather kaya ayan nag iiba ba din ang ating timpla ingat lang palagi
Salamat sissy ikw din ingat palagi, galing kami mubarakiya sinama kami ni madam ,bumili kasama ko alahas c madam ngbayad 150+ daw
Mabuti namqn kung ganon malamig na sa labas
Oo sissy nakajacket na nga ako haha kaloka wla pala ako selfie niahahaha
Enjoy sis ,sobrang namiss mo na talaga ang pinas ,makakauwi ka din soon🙏
Oo sissy miss ko ang enough restvtalaga kapag sa Pinas na
*Ang sarap mg mga chips na yan sissy, favorite ko yan lahat. Pahinigi ng tig-iisa sissy. Ingat kA dyan sissy, inom ng maraming tubig din*
Hehe kuha lang sissy niahahaha grabe sa gabi ako inaatake ng ubo ko sissy nakakaloka
*Hehe, ipa balik bayan box mo na yan sissy, hahahha. Aw, baka dahil sa nalamigan ka noon nakaraan sissy kaya mas mainam mag palagay ka ng ointment sa likod para mawala yung lamig. Hirap pa naman niyan pag ubo ng ubo, di makatulog ng maayos sa gabi*
Wala n nga tulugan sissy grabe na to baka mapagkamalan pa akong nacovid huhu
*Naku hirap yan sis, inom ka ng maraming tubig palagi, yan kasi ginagawa ko pag may ubo ako, lalo na yung medyo maligamgam na tubig*
Salamat sa advice sissy
*You're welcome sissy*:-)
Cheez it akin sissy.. Fave ko din yan. Uminom ka lgi sis ng gamot ksi mahirap mgkasakit.
Kahapon lumayas na naman kami sissy grabe dagdag sakit sa ulo
Hahaha grvh tlga ang labanan sissy pg lumalabas kayo no.. Parang ako lng non mas pipiliin ko pang mtulog na lng kesa gumala.
Super nakakainis nga sissy ahayyy
Basta steam ka lagi sis lalo na kapag tutulog ka
Grabe sissy sa gabi talaga ako inaatake ng ubo ko
Miss mo na tlga ang chips aa pinas nuh hehee sarap na sarap pa ang alaga mo sis😊
Oo sissy fave nia chips sa pinas, super miss na sissy ung enough rest namimiss ko sa pinas hehe
Same with my cousin na OFW palaging nagsend ng food sa akin
Hehehehe nakaka miss lang kc hahaha
Siguro nung nalamigan ka sa McDo. Hope you will feel better soon. Consistent pag inom mo sa Vit C hehe. Ang daming chips, na miss ko tuloy. Bawal lang lol! Keep safe!
Sakin din sissy bawal na maraming chips kaso pasaway hahaha, tama ka sissy sa lamig yata to
Haha, pasaway talaga. Ingats and get well soon!
Thank you so much sissy
Nag crave po tuloyy ako sa mga chips lalo na po ung mooby!! Favorite ko po yun kaso naalala ko bawal po pala ako sa mga ganyang chips:( By the way, pagaling po kayo. Mahirap po ang mag kasakit lalo na kapag malayo ka po sa pamilya mo😊 stay hydrated po!
Salamat sissy, tama ng change clumate talaga, grabe sakit ng ulo ko
mga favorites ko din lahat yang binili mo ate. mabuti at nagustuhan ni kulit mo ang moby, masarap naman talaga yan. remember ko pag kumakain kami niyan tig-iisa talaga kami kasi ayaw magbigay eh... enjoy your snacks ate💞
Oo sissy gusto nia kaso kapag naparami tau nian nagkakasugat dila ko hahaha
oo ganyan din ako kasi gusto kong sipsipin yan eh
Hehe natutunaw kasi sa dila hahaha
maybe i am confused by this language, but i want to learn. Sorry, comments are out of reach. ️😀👌
Oh im sorry friend, its in our national language in Philippines, you are from where?
I'm from Indonesia, I like Filipinos and want to find a partner from the Philippines☺️
Oh, I see, anyway good luck with searching for it. Hoping to find her
Pahinging chips sissy,gusto ko lahat yan hehe ang bait talaga nag dagdag pa sa driver , anyway get well soon sissy umuulan na magbubunyi ng mga camel.
Tapos ako sissy ngkakasakit dahil sa ambon hihu