Join 78,741 users and earn money for participation

Nakakasawa na!

28 30 boost
Avatar for Sweetiepie
Written by   146
1 month ago

Naranasan niyo na ba na bigla nalang kayong maiinis at magsasawa sa isang bagay o lugar? Yong dating gustong gusto mo pero ngayon ayaw na ayaw mo na? Nakakasawa na din kapag lagi na lang eh diba?

Aalis na naman kasi kami mamaya at napaaga ang sleepover kay lola, nakakainis lang kasi eh, doon masyadong pakialamera ang mga tao! Yon bang parang wala ka ng privacy, parang gustong gusto mo na matapos ang araw.

Kung pwede lang hilain ang oras ginawa ko na para matapos ang sleepover ahaayyy! Yong kapag nag uusap sila parang sirang plaka na paulit ulit nalang, yon bang kapag nag uusap sila akala mo nasa kapitbahay ang kausap dahil nagpapalakasan sila ng boses? Dina nakakatuwa eh.

Alam kong di maganda ang inaasal ko pero yon kasi ang totoo. Nagpapasikatan sila kahit sila sila lang, yong feel mo na di sila mabubuhay kung walang pakikialamang buhay ng may buhay? Naku sorry na super bad ko na 😔

Kailan pa kaya ako makakaalis sa buhay na ganito? Masyadong nakakabagot na, parang ang tagal ng oras, ang dami ko nang nagagawa pero bakit parang ayaw umikot ang orasan? O baka lowbat lang ang baterya? Ngunit hindi naman kasi ganon din ang oras sa cp ko!

Ayoko ng ganitong pakiramdam, yon bang naiinis ako sa lahat, sa kahat ng bagay na nakapaligid sakin, lalo ng nakakainis ang nakakasakit sa taengang sigaw ng alaga ng kasama ko, gusto kong tirisin eh! Lagyan ng tape ang bibig! Sorry im bad again ✌

Sana bukas Nobyembre na, gusto ko ng ipahinga ang katawan ko lalo na ang isip ko, yon bang wala akong iniisip na nakaka stress, yon bang pwede ako magpunta saan ko gustuhin, pwede akong matulog hanggang kailan ko gusto!

And soon I can do what ever I want in Gods will Insha Allah, ang hirap kasing hintayin ang soon na yon. Iniisip ko pa lang, it's drive me crazy na! Siguro huwag ko na lang isipin para dina ako nai stress ahay buhay!

Wala din naman ako magagawa kahit mag alburuto ako dito eh hahaha naku ang gulo ko talaga, ewan nabablangko pati isip ko. Iniisip ko pa lang na Thursday pa lang pupunta na kami kay lola nagsisiksikan na mga wrinkles ko! Sobrang spoiled kasi ng mga bata doon kaya nakakaubos ng pasensya.

Ang gusto kasi ng lola nila lahat ng gusto nila ibibigay kahit bawal, lahat ng gusto nilang gawin hahayaan na lang kahit mali. Ang nanay wala din magawa kapag nandon na kami sa lola, ayaw din niya hadlangan ang gusto ng matanda, siguro ayaw niyang sumama ang loob nito kaya pati siya sunud sunuran din kahit labag sa loob niya.

Nasisiguro ko na, na baka wala na naman akong time magsulat doon dahil kailangang nakatutok sa bata at dapat nakasunod lang talaga sa alaga kasi yon lang trabaho namin doon, ang bantayan ang makukulit na bata.

Anyway bahala na si batman haha, puputulin ko na muna dito at magliligpit pa ako ng mga dadalhin naming gamit, have a wonderful day everyone!

Kindly visit my generous sponsors, they are amazing!

October 21, 2021 Thursday

Kuwait time: 1:35 pm

Article #43

Lead image is mine

Sending of love,

@Sweetiepie ❤❤❤

11
$ 2.35
$ 2.15 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @GarrethGrey07
$ 0.05 from @BCH_LOVER
+ 5
Avatar for Sweetiepie
Written by   146
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Kapag po nakapag bakasyon na kau dto sa pinas ate, magpahinga po kau, para po makabawi po kau Ng lakas..nakakadagdag po talaga sa pagod ung sobrang maingay na kapaligiran.

$ 0.01
1 month ago

Salamat lodz hehehe nag eemot lng hahaha

$ 0.00
1 month ago

Kunting tiis nalang sissy...kunting tulog nalang..Isipin mo nalang sissy na baguhan ka palang dyan sa work kaya nahihirapan at naiinis ka.hehehe

$ 0.01
1 month ago

Hehehe emot lang yan sissy ayiee

$ 0.00
1 month ago

Tiis lang sis.. Pasasaan ba at makakauwi kana din ng pinas.. Soon!

$ 0.01
1 month ago

Tama ka sissy salamat

$ 0.00
1 month ago

Kunting pacensya na lag sis makauwi ka na. Makalalayo ka na din sa stress na buhay na yan.

$ 0.01
1 month ago

Chaarr lang sissy hehehe

$ 0.00
1 month ago

Naku sis naramdaman ko to dati, nung nagtatrabaho pa ako sa mga amo ko.. hahhahaha pero ngaun nakakamiss ng magtrabaho sa abroad.

$ 0.01
1 month ago

Nakakainis sissy grabe

$ 0.00
1 month ago

Konting pasensya nalng sisy, lapit na din nmn ung November sis

$ 0.00
1 month ago

Tama ka jan sissy

$ 0.00
1 month ago

Sis parang may dalaw ka hehehe. Ganyan pa nman ang mga yan parang bingi yong mga kausap ey! Di bale malapit na su soon kaya unting kembot kna lang jan at lilipad kana pauwi.

$ 0.01
1 month ago

Hahaha nakakainis lang kc talaga sissy

$ 0.00
1 month ago

Makakalaya ka din dyan sa buhay na yan Akala ko nga dati Di ako Makakalaya sa panget na buhay ko noon, pero ngayon okay na ko

$ 0.01
1 month ago

Ok lang naman mga amo ko sissy, nakakainis lang kpg don kami natutulog sa lola mga pakialamera mga tao don

$ 0.00
1 month ago

I used the translator and it translated the post like crap 🤣🤣🤣🤣, so I'm just gonna say "Good evening sis and have a wonderful day"..

$ 0.01
1 month ago

Hahaha im so sorry sis 😂 im just disgusted ✌

$ 0.00
1 month ago

Wala talaga tayong kawala sis hanggat nasa poder pah tayo nila,, pero tiis2x lang,, matatapos din Ang kontrata moh dyan,, yan din ang nah feel ko dati, sabi ko pag makauwi nah ako Ang una kung gawin ay matutulog, pero hindi din nangyari,,ahaha, gala dito gala dun 😝.

$ 0.01
1 month ago

Hahaha tama ka jan sissy, dina ako nasanay sa pang limang balik ko sa abroad hahaha

$ 0.00
1 month ago

Basta laban lang lods ha. Kahit sawang sawa kana patuloy pa din sa laban ha ikaw nagturo sa akin maging matatag

$ 0.01
1 month ago

Ayiee salamat lods, nakakainis lang kasi minsan

$ 0.00
1 month ago

Ganyan talaga ang mararamdaman sissy kapag hindi muna gusto ang mga bagay na nasa paligid mo parang pag ibig lang kapag na fall out of love kana hihi ano daw ? Basta itawa mo na lang muna go with the flow soon uuwi kana .

$ 0.01
1 month ago

Salamat sissy tama ka jan

$ 0.00
1 month ago

Wala ka naman talagang magagawa sa ngayon kung magalit ka dyan ikaw pa din maaapektuhan chill kahit di na kaya ,sasaan VA at ikaw ay makakauwi din , huwag mo na lng pa bigatin ngiti tanggapin na lng,ramdam kita ...di ka nag iisa tama yan isulat mo na lng ang feelings mo

$ 0.01
1 month ago

Tama nga naman hehe

$ 0.00
1 month ago

Chill lng Kasi ikaw ang maaapektuhan kung magalit ka tapos sila naman sayang saya sa kanilang pinag gagawa

$ 0.00
1 month ago

Absolutely

$ 0.00
1 month ago