Muling Binuhay Mo
#10 (140)
Magandang buhay friendship! Kumusta ang lahat? Naway lagi tayong nasa maayos na kalagayan at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan. Nandito na naman ako ngayong araw kasi medyo nakaluwag ako sa oras, hindi na muna kasi ako mag iihaw ihaw 😂 sobrang nakakapagod na kasi at sadyang kinakain ang oras ko dahil matagal ang pagprepare ng mga panindankong ihaw ihaw hehe.
Nakakapagod ang paghahanda ng panindang ganito, mahabang pasensya ang kailangan at tiyaga sa pagtutuhog 😁😁 kaya naisipan ko munang itigil kahit sobrang mabenta dahil kulang na kulang na talaga ako sa oras sa ibang mga gawain ko. Sa tindahan pa lang super kulit na ng mga bata sa papiso piso kong mga paninda hehehe, idagdag pa ang pabunutan ni yaya 😂😂😂
Anyway, napapalayo na yata ako sa topic ko sana for today, last year meron akong naisulat na article about sa mga tanim ko na sobra akong nadismaya ng malaman kong wala na sila masakit-pa-sa-break-up, sobra akong nasaktan dahil sobrang inalagaan ko sila at ginastusan pero bigla nalang makikita kong wala na sila.
Diba ang sakit sakit sa pakiramdam na makita ang pinaghirapan, inalagaan at ginastusan mo tapos sa isang iglap patay na pala sila. Pero wala akong magawa dahil nangyari na. Sinabi ko sa sarili ko na pagbalik ko ng Pilipinas ay magsisimula ulit akong magtanim hanggang mabuo ko ang dating meron ako, mga halamang nagbibigay sa akin ng mga ngiti tuwing umaga at tinupadbko nga iyon. Di man kasing ganda o mabulaklak gaya ng dati pero soon mapapaganda ko din sila.
Di man sila kasing ganda ng mga nauna pero sisikapin kong mapaganda sa mga susunod pang linggo o buwan 😊😊, sadyang kay sarap pagmasdan ang mga halaman, nakakagaan sa pakiramdam lalo na kapag sila ay namumulaklak. Tama ang kasabihang "kung may mawawala, mayron ding papalit" at naniniwala ako doon. Yon nga lang bawat papalit ay di na gaya ng nauna. (May kasamang hugot na yan besh 🤭🤭)
Wag tayong mawalan ng pag asa, magpatuloy sa hamon ng buhay, tayo ang piloto ng ating buhay, kaya natin paikutin ang ating buhay ayon sa ating kagustihan at sa gabay ng Dakilang Lumikha. Manalig sa ating Maykapal at Insha Allah lahat ng minimithi natin ay makakamtan.
Muli kong binuhay ang pag asa na magkaroon muli ng mga halaman at ito na nga natupad ko na 🥰🥰🥰 laging tandaan na kung gusto may paraan at kung ayaw maraming dahilan. Maraming salamat sa patuloy na sumusuporta sa akin sa kabila ng diko pagiging aktibo. Sisikapin ko din na maibalik ang dati kong pagiging aktibo sa abot ng aking makakaya. Walang lugar ang pasuko, kung napapagod ka pwede kang magpahinga ngunit wag kang susuko, ang lahat ng pagsubok ay mayroong hangganan sa mga taong marunong magtiyaga. Dalangin ko ang ligtas at mapagpalang araw sa inyong lahat.
March 23, 2022 Wednesday
Philippines time: 10:00 AM
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of friendship,
@Sweetiepie ❤❤❤
Kaya mo yan sis, kung ano mang ganda ang nauna mas maghihigitan pah yun sah pang huli, alam kung kaya mo yang maibalik ang dating wala ng buhay at pag ibig, ay charrrr,ahahha, by the way nice to meet you sis.