read.cash Log in
@Sweetiepie

@Sweetiepie in January 2025

@Sweetiepie

Sa lugar namin makulimlim at minsan umaambon kaya nauso na naman ang sipon at pananakit ng katawan, bali balita may virus na naman daw sa ibang part ng mundo 🤔 nakakatakot na talaga kasi nakakatrauma ang nagdaang quarantine 😔

@Sweetiepie

Nakakapagod na 😔 ilang araw ng di namin naaasikaso ng mabuti ang tindahan dahil sa hearing namin sa barangay, sobrang bait lang namin at laging pinagbibigyan ang nasanlaan namin pero nakakapikon na eh, supposed to be katapusan ang pangako nila na tutubusin ang bahay pero hanggang ngayon dipa nila nabibigay ang 150k namin 😒 di rin ngbabayad ng renta dalawang buwan na. Pero desidido nako na paalisin na sila bukas kung ayaw pa nila magbayad

@Sweetiepie

Minsan masakit masaktan kung umaasa ka Pero sa isang iglap malalaman mo nalang Nàgbago na pala ang desisyon 😔 Ano ba talaga, nasasayangan lang ako sa mga ticket kung itoy dipa namin itutuloy. Hayaan nalang kung magbago man ang mga nakasunduang plano basta itutuloy ko parin, mahalbkaya angvticket papuntang davao at cotabato 😒 sayang kung masasayang nalang ng ganon ganon lang.

@Sweetiepie

Nakakainis na talaga, araw araw nalang kami sa barangay hall, ang kapal talaga ng mukha ng kausap namin, laging nagbibigay ng duedate pero di din tumutupad sa usapan, nakakainis pero kailangan paring magtimpi. Kahit ang barangay imbestigador sumusuko na sa kasinungalinan nito 😒 ok lang sana kung 10k lang pero 150k eh 😡

@Sweetiepie

Mamayang hapon na naman ang hearing namin ulit sa barangay para doon sa sinanlaan naming bahay, sana mabigay na nila ang pera namin kahit 100k lang mauna nila kasi wala kaming mababaon sa pagbabakasyon namin sa Davao next week 😢

@Sweetiepie

Ilang tulog na naman sasakay na naman ng airplane 😊 saan na naman kaya ako dadalhin ng mga papa ko 😌 lets check nalang later 😅

@Sweetiepie

Kagagaling ko lang ng health center para ipacheck up ang aking ubo st sipon na di mawala wala, at hinihingal pa ako parang may ashtma pero walang doctor doon, bumalik nalang daw ako kinabukasan. Nakaka disappointed pero ok lang babalik nalang ako, humingi nalang ako ng salbutamol neb para guminhawa ang aking paghinga.

@Sweetiepie

Bukas na flight ko papuntang davao, nakakainis lang kasi sinisingil kobyung ngrerenta ng bahay dipa ngbabayad may 1month pa siyang di nabayaran at may balance na 1k ahayy nakakainis na talaga

@Sweetiepie

Samahan niyo ako explore ang Davao city 😊 Durian capital city of the Philippines

@Sweetiepie

Ang sarap mamasyal sa bukid, ang dalawang linggong bakasyon ay kulang na kulang talaga 😔 sayang at nakapagbook nako ng ticket pabalik ng manila, Mindanao vacation is the best place na napuntahan ko