Instrumento ng komunikasyon
Lahat ng kahalagahan ng wika ay sumasang ayon ako ngunit sa limang kahalagahan nito, mas higit ang pagsang-ayon at pagpili ko sa instrumento ng komunikasyon. Sapagkat totoo namang kung ang wika ay isang instrumento sa pakikipagkomumikasyon o pakikipag usap. Mas madaling napapasa ang bawat mensahe maging ang mga mahahalagang impormasyon. Maski nga ang pipi ay gumagamit ng wika sa pakikipagkomunikasyon, mapaberbal man yan o hindi. Sa madaling salita walang komunikasyon kung walang wika. Walang pagkakaisa kung walang wika na nagsisilbing instrumento sa pakikipag ugnayan ng bawat mamayan.Sa papamagitan nito ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan at kaalaman sa pamamagitan ng pakikipag komunikasyon gamit ang wika. Ang pagkakaintindihan,pagpapanatili at pagpapalaganap ng kultura, pagbabahagi ng impormasyon ay dulot ng pakikipag ugnayan o pakikipagkomunikasyon gamit ang wika bilang instrumento.