Pandemya
Sa pagdating mo ang lahat ay nawindang Di sa kagandahan kundi sa pighati Mga ngiti iyong pinayawi Sa nakakamamatay mong haplos Ang lahat ay natatakot Naglalakasan at naglalakihan ay nangangag silihod Bawat tahanan ay naghihinagpis Sa bawat buhay na iyong kinikitil Ikaw ang sagisag ng kapangyarihang nakakatakot Nino man ay di gustong magkaroon Pagkat ikaw pinandidirian At paniguradong isang paa'y nasa hukay Nawa iyong bagsik ay maglaho Kaligtasan at ngiti ang syang maghari Pagkat walang may gustong ikaw ay manatili Sa mundong walang hiniling kundi ang kapayapaan
No comments yet