Bagong Liwanag Kasabay ng simo'y ng hangin Nagbabadyang takot ang dala Sa bawat hampas nitong hangin Piligro'y marahil kasama Ang takot ang syang nananaig Sa bawat oras na dumaing Piligro ay nasa daigdig Ubot sipon na syang dinaing Saglit lamang ito'y kumalat Ang lahat ay nababahala Kalinisan dapat ikalat Kalusugan ay ibahala Tamang paghuhugas syang tulong Pag iingat ay kailangan Kaalaman ay sya ding tulong Sa kaligtasan ng lipunan Dasal, pangunahing sandata Paniniwala ang syang dapat Pagkakaisa ay panata Uusbong ang isang pag- asa Kailangan maging matapang Sapagkat ito'y mawawaksi Kapit bisig para sa hakbang Panibagong araw ng liksi Bukas ang araw ay sisibol Takot ay sya ding maglalaho Hangin aawit ng pag sibol Ngiti at tawa'y maghahalo
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet