read.cash Log in
@Sterileen

"Aking mga Kababayan"

Ang buong mundo ngayo'y dumadaan sa pagsubok, bawat tao'y sinusubok. Sino bang dapat sisihin? Ang bansang kung ano ano kinakain , o ang mga sarili natin? May dapat nga bang sisihin? Kabayan, ano ang iyong maiiambag sa lipunan? Alam mo ba na ang di mo paglabas ng bahay ay isang malaking ambag na? Ugaliing maghugas ng kamay , beso beso ay iwasan. Tamang kaway kaway na lang sa taong bayan. Pag usap ng malapitan ay pinagbabawal, mga magjowa , tingin tingin muna sa larawan. Maraming umaangal sa mga patakaran, kagutuman ang ating malalasap. Mahirap maging mahirap sigaw ng mga taong mahihirap, mga namumuno sa lugar nati'y puro usap. Isang pinakamahirap na laban sapagkat di natin nakikita ating kalaban. Kaya naman lahat ay nababalisa sa ganitong sakuna. Sa ganitong kalagayan, ang dami pa ring sakit ng ulo ng ating bayan. Utos ng nakatataas di pinapakinggan, sila'y nakikipagmatigasan. Ang katigasan ng ulo ay pinagtitibay, tayo lahat ay damay damay. Inuman , kwentuhan at kantahan sa labas ng bahay , sa ganitong paraan ba tayo nagtutulungan? Gusto natin na matapos ito pero paano? Paano ang mga taong ang isip ay kapos? Para tayong mga nakagapos. Walang katapusang pasasalamat sa mga taong nagbibigay donasyon , mga tao na gumagawa ng paraan upang ito ay mawakasan. At tayo bilang isang indibidwal , ating ugaliin ang pagdarasal. Ito ang ating malakas na sandata para sa ganitong sakuna. Maniwala at magtiwala tayo sa Kanya , sabay sabay tayong manampalataya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.