Buwan
Kay sarap mong pagmasdan Gandang mong nagliliwanag sa dilim Ikaw ang simbolo ng kagandahan Ang lahat ay nahuhumaling sa iyo Pag ikay nakumpara kay sarap sa tainga Mga matang hindi mailis sa iyo Nag nanais na ikay makita At naghahangad ng iyong kagandahan Bawat kalalakihan ikaw ang sambit Sa iniirog na nagnanais ng kasagutan Kababaiha'y natutuwa sayong mahambing Sa pagnanais na sayong kagandahan Marami ng nagtangkang ika'y makita Marami nag nais na ika'y mapuntahan Nag nais na masaksihan ang liwang mong taglay Ngunit lahat ay nabigo Ngunit hindi tumigil na ika'y makita Ikay mapuntahan At masakasihan ang liwanag mong taglay At sa wakas Isang mapalad ang nakasilay sa ganda mong taglay Ipinakita sa lahat na nagnais na ika'y makita Ang pangarap ay natupad At lahat ay nasaksihan Ngunit ang dating simbolo ng kagandahan Ni sino man ay hindi na nais makumpara Ang kagandahang mong kakaiba Sa mga babae ay hindi na ninanais Ang dating mapupulang reaksiyon sa tuwing ihahambing sa iyo Ay mas lalong pumala Hindi dahil sa saya kundi sa galit na makumpara Noon ikaw ang simbolo ng kagandahan Sa pagtuklas at sa siyensiya Isang kasinungalingan ang nabunyag Kagandahan mo ay isa lamang pag aakala Sa liwanag na siyang nagtago Ganun paman ang gabi ay mananatiling madilim Kung ang liwanag moy maglalaho Kung kayat saakin ika'y mananatiling kabighabighani
2 comments
Ang ganda talaga pagmasdan ng buwan dati nung bata ako nagtatanong ako bakit pagnakatingin ka sa buwan at naglalakad ka Parang sumusunod Ito sayo hehehe Dati pa yun nung Bata ako ang ulit ko talga... Totoo napakaganda niya talaga lalo na kung bilog na bilog siya at ang daming nakapalibot na mga Bituin.
Totoo poyan, misko ako ng bata ako tumatakbo pako para malaman ko kung sumusunod ang buwan yun pala sadyang napakalaki lang niya kaya akala mo sumusunod. Napaka ganda talaga ng buwan at bituin sa langit parang at peace ka pag pinagmamasdan mo sila.