Sa gitna ng pandemya
Sa aking mga kababayan Covid wag nating katakutan Sapagkat sa pagtutulungan ito ay malalabanan Ang takot na nilikha ng hawaan Ay may roon ding katapusan Ang covid ay hindi lamang kasamaan Kundi isang ding pagkakataon sa mamayan Ang pag bubuklod ng bawat pamilya sa tahanan Ang pagkain ng sabay sabay sa hapagkainan Hindi lamang iyan ang pagkakataon kababayan Pagkat ang lahat ay natututong lumuhod at manampalataya Pagkakaisa ay namumuklod sa sangkatauhan Ang masasamang bisyo iniiwasan Sa takot sa covid kalusugan ay pinahahalagahan Pagkat higit paman ang mahalaga ay kaligtasan Ang malalayo sa pamilya ay nagsasamahan Sabay na hinaharap ang paglaban Tila isa din itong paraan para ang kalikasan ay mapangalagaan Sa usok at chemical ng dala ng bayan Ang covid ay sakit na hindi lang puro kasamaan Maaaring isa itong sakit upang tau ay paalalahanan Na ang bawat isa at tao kailangan ng pangalagaan Aking kababayan sa likod ng pighati ay kaginhawaan Walang bagay sa mundo ang mananatili sa kalupaan Balang araw ang covid ay magtatapos ang hangganan 6 Sa pag alis nito sana'y ang manatili ang idinulot nitong kabutihan Maging babala at magandang aral sa ating kababayan Magtiwala tayo sa maykapal pagkat ito'y may hangganan Sisikat ang bagong araw ng ngiti at pag asa Sa araw na iyon covid ay mawawala ngunit natutunan huwag kalilimutan
No comments yet