read.cash Log in
@Sterileen

Frontliners: Ang Kwento ng Sakripisyo

Naalala ko pa Mundo noo'y mapayapa Mga tao'y pawang saya Ngunit nang dumating ang epidemya Pagkakaisa ay nawala,nagkanya-kanya Kinain ng takot at pag-alala Marso dalawampu't apat Marahil may taong nais mong makita Isang tao o mga taong namiss mo na? Oo ikaw namimiss na kita , Oo namimiss ko Na kayo Habang kayo ay nasa tahanan ako'y naririto Habang kayo'y nakahiga ako'y nasa gitna Nasa gitna ng Laban na hindi nakikita ang kalaban Sa gabi habang kayo'y mahimbing na natutulog Mga tuhod ko'y nangangatog Dulot ng pagod,kaba at pag-aalala Na ako'y maaari ding magawa at madamay aking pamilya Katawan ko'y pagod at nanlulupaypay Pero hindi maaaring tumigil Pagkat maraming buhay sa aki'y nakasalalay Habang kayo'y kumakain, kami'y maraming isipin Ngunit di maaaring tumigil sa trabaho Upang agad matukoy sinong mga positibo Para bilang ng nahawa at namatay ay hindi patuloy na lumobo Kahit isipan napupuno ng bagay Na negatibo Kailangan isipan ay manatiling positibo Upang sa Laban tayo'y manalo Sapagkat sa Laban na ito walang lugar ang pagsuko Habang kayo'y nakaupo Kami'y umiisip ng solusyon upang epidemya ay masugpo Hindi pwedeng hayaang pagod at takot kami'y igupo Kahit Katawan ay nais ng sumuko Sa digmaang ito walang lugar sa pagsuko Pagkat aming pagsuko hudyat ng pagkatalo Pagmamahal aming lakas upang patuloy na tumayo At umaasang darating ang araw na epidemya Ay mananatili na lamang sa alaala Habang sa telebisyon kayo'y nanonood Kami'y nalulunod na sa pagod Nakikiusap sa inyong simpleng pag sunod Upang sa mga namatay wala nang sumunod Pagkat iyong pagkamatay hindi naming nais mapanood At isiping maaaring bukas kami ay sumunod Namimiss ko ang aking mahal Namimiss ko ang aking pamilya Oo kasama Kita, Oo kasama ko kayo Tayo'y malapit ngunit agwat ay sobrang layo Sapagkat higit na mahalaga inyong kaligtasan Aking simpleng hiling tayo'y magtulungan Huwag magsisihan upang ito'y malagpasan Upang muling makauwi sa aking tahanan At aking Minamahal muling mayakap at mahagkan

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.