Covid 19
Ano nga ba ang iyong naging epekto? Sa tulad naming mga inosenteng tao Na ngayon ay pinipilit na magtago Para lamang hindi na dumagdad sa sakit na ito. Maraming pangyayari ang tumigil ng sandalian Maging ang mga pinagkakakitaan ay nawala ng tuluyan Nasuspend ang mga klase sa paaralan Pati narin ang mga sasakyan sa lansangan. Paghuhugas ng kamay ang isa sa magandang paraan Upang ito ay ating maiwasan Kailangan nating pahalagahan At ingatan ating mga kalusugan. Corona Virus ang naging daan Upang ang bawat isa ay matutong magtulungan Nang ito ay matigil na ng tuluyan Para maibalik dating kasiglahan. Alam kong ang dasal ng bawat isa Ay ang kaligtasan para sa kanilang pamilya Kaya hindi dapat na mawala Pananampalataya natin sa Poong lumikha.
No comments yet