Tinik ng korona
Ito ang koronang nakapandidiri, Kinatatakutan, hindi pinupuri; Sinumang mang-angkin rito’y may magmay-ari, Sa kanyang libingan, doon maghahari... Korona'y simbolo ng kapangyarihan, Sagisag ng lakas, ng dunong at yaman; Katalinuhan at karunungan, alay sa bayan Posisyong laan sa nasasakupan Ngayo'y Epedemikong makapangyarihan, Coronang salot sa Lupang Tinubuan; Walang kinikilingan miski mayayaman, Isang karamdamang ni ayaw angkinin, maging ng gahaman! Laway ni Satanas, tiyak nakalalason, Ang kamay at mukhay iiwas sa lason; Kapag ang korona'y sa'yo napamana, Ikay magiging abo at isa na lamang ala-ala! Natupad ang hula sa Propesiya, Ang poot ng lumikhay, sa lupa ngayoy dumampi; Masasawi ang mahihinat mananatili yaong nanalig, Simula na ng wakas, sa wakas magsisimula na tayo. Lipas na ang mundo sa Lumang Tipan, Kung saan ang daigdig ay puro't walang bahid ng kasalanan; Tayo'y sinasakop ng takot at krisis, Nalalapit na nga ang Paghuhukom! Lumuhod na't magsisi nang sukdol, Ang ligaw na anak ay magbalik sa Ama; Ang naglikha ng lahat ay nagbigay ng daan, Yaong sumampalatayay 'di lilisan. Ipinagkaloob yaong kanyang buhay; Maligtas lamang ang sanlibutan, Suot ang korona, si Kristo'y namatay, Habang ang mga Politiko'y naghuhugas kamay...
No comments yet