read.cash Log in
@Sterileen more from that month

Kombensyonal Pagkilala Ang imahe ng haligi ng tahanan Kasing tatag ng isang malaking bato Nagagalak bawat parte ng tahanan Nagbigay pundasyon sa haligi nito Kilala sila sa pagiging matigas Matipuno at maginoo sa lahat Lambot din ng puso s'ya ding pinamalas Ang haligi ng tahanan ay matapat Walang di kakayanin sa pusong ama Lahat ay gagawin para sa pamilya Buhay ilalaan para sa kanila Ganyan dapat magmahal, tunay na ama Tahana'y di buo kung walang haligi Pagkat ang haligi ang bubuo nito At makikitang uusbong mga ngiti Walang tatatag pa sa tahanang buo Pagpupugay sa haligi ng tahanan Marapat lamang na ating kilalanin Pagkat isa din itong kabayanihan Na sya ding marapat nating dinidinggin

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.