Halaman sa basag na bote. Kagandahan niya ay matalinghaga. Sa baba ay binakuran ng boteng basag. Hinarangan ang daloy upang hindi madapuan ng bubuyog sa hardin. Hanggang kelan nakatanim ang matulis na salamin. Naging hadlang upang mapalawig ang marating. Handa bang magkasugat upang ikaw ay kamtin. O panoorin ka na lang hanggang ang wakas ay dumating. -Skyram-
14 comments
Papanoorin ko nalang dahil sawa na sa sugat na dulot niya😆 galing galing
Kahit masugat ka man lods pero paano kung sa sugat ka lumigaya.
Hays kung liligaya ka kahit masugatan ka sige lang pero ang mahirap dun nagkasugat kana ng dahil sakanya patuloy kapa nya sinusugatan ano tutuloy kapa ba?
Paano kung magbago na siya.😊
Well depende siguro yun if mapatunayan niya teka ano ba pinaglalaban ko hahaha😁😁
Ahaha sinusukat lang kita lods. Tama ka din naman ang pagmamahal ay wala sa sugat o ano pa man. Ang pikabuod ng lahat ay pagmahal ka ng isang tao ay hindi ka nya kayang saktan. Kasi alam niya sa sarili niya na siya ang unang masaktan pag nasaktan ka niya.
Ay sana all ganyan mindset at may pag sukat ang plantito ng noiseapp huh🙄hahaha
Ahaha dapat ganyan.😊
Tama ka dyan kaso di naman pareho pareho ng mindset haha
Ang unique tingnan kaingay.
Opo kaingay. Mas maganda sa pitik yung kuha na kakaiba. Sa larawan pa lang ay may perpective na.
ang lalim naman nang mga salitang ito siguro handa kong masugatan para lang makamit ko ang aking inaasam na pangarap charrot i mean kung baga sa life handa kung magsikap kahit ano paman ang mga problemang dumating
Yes every success there is pain behind.
Ganda po nang. Tula niyo