Gabi na naman. Ganitong katahimikan. Ang hanap ng damdaming hapo. Sa araw-araw na pagbabanat ng buto. Sa gawaing walang katapusan. Bukas ng umaga. Gigising sa pagtilaok pa lang ng manok. Simulan uli ang bagong simula ng araw. Na puno ng sigla at pag-asang ang pangarap ay matupad. Sana maipagkaloob ng Diyos ang simpleng hiling. Na Bawat tao sa mundo ay gumaling. Sa kahirapang taglay ay umaliwalas man lang ang buhay. Sa hirap at hapis ay mailihis manalo sa lotto para di na magtiis.π Magandang gabi kaingay. Sana ay masaya ang gabi nyu ngayon. At daluyan pa din kayo ng grasya ng Panginoon.
9 comments
Magandang gabi
Magandang gabi din po. Papahangin lang sa labas ng bahay sana walang lamok.π
Very nice!!!! Sana kaya ko din magcompose ng ganyan hehehe
Kaya mo po yan basta mag-isip ka lang ng mga nakakainspire.
Mahilig po kayong gumawa ng mga tula?
Opo pampalipas oras ko lang mate.
Gabi na naman mate. Ang bilis lang ng oras.
Oo nga po. Pero maganda ang gabi ngayon malamig parang pasko na.π
Ang ganda ng tula mo kapatid. π€π€π€