Hulog na mga talulot. Habang naglalakad sa may kalsada. Nadadaanan ko ang mga nagkakalat na mga talulot sa daan. Nahuhulog sa isang puno. Siguro inalog ng hangin kaya sila nahuhulog o sadya lang talagang dumating sa oras na mahuhulog na sila. Kumukupas ang bawat kulay. Lumiliit ang bawat oras. Bumabagal ang dati mabilis. Ganyan ang panahon. Lumilipas din. Nahuhulog ang tululot para sa bagong simula uli. Tulad ng buhay iwaksi sa isipan ang mga bagay na walang kabuluhan upang magsimula muli ng bagong pangarap. Hayaan mong mahulog tulad ng petals ng isang bulaklak para sa isang bagong umaga. Pasiglahin ang buhay sa bagong sikat ng araw na maningning. Umagang kay ganda mga kaingay. God Bless po sa lahat. #InspiredPeople
3 comments
Ang ganda nung kulay nung bulaklak 😍
Umagang kay ganda sayo lumilipas ang panahon at mabilis din ang pag andar ng araw magugulat tayo pasko na naman
Walisan mo daw kasi mga talulot nanyan sir. 😅