read.cash Log in
S@Skyram

Kakatapos lang magdagdag ng halaman sa aking hardin. Ito yung parte ng bahay na madalas kung tambayan. Naliitan na nga ako sa lugar alanganin siyang gawing hardin. Kaya balak kung gumawa pa uli ng isang bahay.hehe (Balak pa lang naman). Mahilig ako sa halaman pero kulang lang sa lugar na pagtataniman kaya pangarap kung magkabahay uli tapos pupunuin ko ng halaman para si inang kalikasan ay matuwa naman sa akin. Sa pagkalapastangan ng ating planeta marami ang nabago sa ating klema umiinit ng sobrang-sobra yung ice candy kung binili kanina naiwan ko lang sa kusina pagbalik ko ay tunaw na.😄 Ganun kainit na sa ating planeta ano pa kaya sa darating na taon baka hindi na tayo makalabas ng bahay dahil nakakasunog na ang sikat ng araw huwag naman sana.😄 Kaya pangarap sana ay matupad makapagtanim ng maraming halaman sa bakuran at mabigyang katuparan ang simpleng hangarin para sa kalikasan. Ang haba na pala ng tula na nagawa ko. 😄 Salamat sa pagbabasa kaibigan, mga kaingay!🫰😄

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.