Trapik Dugtong dugtong na gulong. Nagsiksikan mga taong nag-uunahan. Ihip ng hanging maalinsangan. Tagaktak ng pawis ng nasa lansangan Masikip na kalsada usok na binubuga. Sasakyan nakaparada sa gitna ng kalsada. Sumikip ang dibdib sa sistema. Nahihilo sa usad pagong na sinasakyan. Nakakabinging sigawan ng mga tao. Pumara na pala ang lasing na pasahero. Kantong babaan sa binakbak na daan. Sumakit na ang tohod ng nakababa sa kalsada. Ibinigay ko kasi ang upuan sa matandang kakilala. ------------------------------------------------ Ito po ang halos araw-araw naranasan sa kalsada kaya napaisip ng tula. Magandang gabi po sa lahat. Sana po nakauwi na ng maayos at nakapaghapunan na din mga Noise Friends.
10 comments
Naku..ganyan talaga kadalasan ang mukha ng trapiko at mga pasahero..buti nga ako puidi lang lakarin workplace ko.. yung iba talagang pahirapan..at hirap pa makasakay papuntang work at lalo na kapag uwian.
Mahirap po ang araw araw na trapik.
Oo nga..kailan pa kaya ito masosolusyonan..
Ride safe po at baon ng maraming pasencya para makauwi ng matiwasay sa pamilya.
Dito din lalo na rush hour
Relate much mate.
Good morning po. Yan ang ang araw araw na mukha ng kalsada.
Kumusta ang sabado nights?
Sobrang relate ako sayo mate.
Good morning mate. Ganyan po talaga ang karanasan sa kalsada.