Bugso Bugso ng damdamin. Tulad ng tubig sa Fountain. Malakas at Mapusok. Pero babagsak lang din pala sa sulok. Hindi makaahon sa kumonoy ng damdamin. Hanggang ngayon nangangapa sa alaala. Bugso lang pala ng damdaming nawawala na.
@Skyram in October 2023
Ere O di ba. Binitawan ka lang. Sa pagkakahawak na dati mahigpit. Ngunit pagdating sa ere ay biglang Inihulog. Masakit na mahulog sa taong nanghuhulog. 3 bilyon ikaw lang ang nakikita. Pero sayo ay unang nakaranas ng pagkabigo. Siphayong sakit na naranasan. Pagdating din ng araw ay makalimutan.