read.cash Log in
@SisBhie

@SisBhie in September 2021

@SisBhie

Healthy eating muna tayo ngayon mga ka ingay! Mainit ang panahon maganda ang prutas pang alis uhaw. Tara po kain tayo meryenda..

@SisBhie

Bread or tinapay ang meryenda ko ngayon. Walang kape kasi mainit ang panahon.. tubig lang panulak nyan.. Hello mga ka ingay meryenda na po! πŸ€—

@SisBhie

Sobrang sakit ng balakang at likod ko.. dahil sa pagmamadali ko sa paglalaba. Nag set ako ng oras na dapat wala pang isang oras dapat tapos nako maglaba. mano mano lang ang laba ko kasi parang ang tagal lalo kapag washing.. may topak kasi yung washing machine namen tumitigil sa pag ikot. Hays grabe.. after luto, laba, alaga naman.. hehehe.. mahirap pero kakayanin para sa anak! Gandang hapon sa lahat mga ka ingay ☺️

@SisBhie

Habang nagluluto ako, si bebe nasa duyan nya. May tagabantay akong nakuha. Galingan nyo pagbabantay ah para may pish kayo saken.. haha 😁 Happy morning ka ingay!

@SisBhie

Salamat sa Dios sa mga biyaya. Sa bawat araw may nakakain kami.. Kain na po tayo mga ka ingay! tanghalian time na.. ☺️

@SisBhie

Gandang hapon mga ka ingay! Ang sarap kumain at mamasyal sa labas.. nakakamiss din! Hanggang throwback photo nalang muna ako. Share ko lang itong paborito ko, Lasagna at pizza ng Greenwich! Na adik ako dyan sa lasagna nila haha ewan ko ba.. ngayon tuloy hanggang cravings nalang muna.. Hehehe πŸ˜…

@SisBhie

Malakas ang hangin dito samen.. yung bubong namen naugong sumasabay pati yung pader at yung higaan namen.. Nakakatakot! wag na sana lumakas ang bagyo! Jolens uwi kana sa pinggalingan mo.. hays! Mabagyong hapon ka ingay! Ingatan nawa ang lahat.. πŸ₯Ί

@SisBhie

Hello mga ka ingay.. Super stress ko ngayon.. nanghihina ako, san ba ako huhugot ng lakas!? Ang hirap sa kalooban kapag may sakit ang mga mahal mo sa buhay.. Yung mama ko hanggang ngayon masama parin pakiramdam.. sinabayan pa ng anak ko nagngingipin sya tapos nilagnat na, sasabayan pa ata ng ubo at sipon! Super stress talaga.. hays..😣

@SisBhie

Magandang hapon mga ka ingay! pagabi na pala.. di ako masyado nakakapagpost, mejo busy.. daming problema.. Masakit na ang ulo ko, halos dalawang gabi na akong puyat halos walang tulog.. πŸ₯Ί

@SisBhie

Hello mga ka ingay! natuluyan na nga akong lagnatin hays.. ang sakit ng katawan at ulo ko! Pero kailang pa din lumaban dahil may anak kang nadede sayo.. Kaya kayo mga ka ingay doble ingat po uso talaga ang sakit.. hays.. Oh Lord heal us.. πŸ™

@SisBhie

Ang hirap talaga magkasakit hays.. sa ngayon kailangan namin palakasin ang aming immune system! Si mama may sakit, ubo sipon at hingal.. bumaba ang oxygen level nya kaya need namin bumili ng oxygen. ako eto nilagnat naman.. sana gumaling na kami.. prutas prutas muna tayo mga ingay! Lord pagalingin Mo po ang aking mama.. πŸ™

@SisBhie

Walang hanggang pasasalamat sa Dios! Salamat sa Dios sa pagpapagaling sa mama ko.. 😊 Salamat mga ka ingay sa inyong mga panalangin.. Sana tuloy tuloy na ang pagbalik ng lakas nya.. Ako naman ayos pa naman ako kaya ko pa, wala na ko lagnat. Konting ubo at sipon nalang..

@SisBhie

Maaga nagluto ng ulam para sa hapunan.. pritong manok! pero syempre mamaya pa kakain. Pero pwede na din to imeryenda madami naman eh. Gandang hapon mga ka ingay! Goodvibes na ulet..

@SisBhie

Kain tayo mga ka ingay! meryenda time po pandesal at pansit sotanghon.. masarap naman yung pansit, binili lang sya sa labas.. medyo spicy sya.. tulo sipon ko eh. haha!

@SisBhie

Magandang umaga mga ka squad! Happy 4th monthsary mga ka #NFSFG.. Salamat sa inyong mabubuting puso lalo na mga mods ng group na ito.. Pagpalain tayong palagi at gantihin nawa ang inyong kabutihan sa kapwa.. πŸ™‚ Happy morning stay safe!

@SisBhie

Simpleng handa para sa aking baby! Happy 8th months baby Raniel.. ang bilis ng panahon parang kahapon lang nasa tummy pa kita gumagalaw galaw kapa, ngayon ang laki laki mo na bebe.. wag ka magmadali sa paglaki.. Mahal na mahal ka namin baby ko! 😘❀️

@SisBhie

Matumal ang tibok ng puso ko ngayon.. hehehe.. pero ayos lang.. nandito pa din ako.. naghihintay na muling mabuhay ang tibok ng puso mo.. ❀️ Gandang gabi mga ka ingay..

@SisBhie

Buti may natira pa isang slice ng pizza! Memeryendahin ko na ito ngayon. Kayo dyan mga ka ingay anu meryenda nyo? Gandang hapon sa lahat..

@SisBhie

Natupad din ang aking pangarap.. sa wakas nakakain din ng tuna pie! tagal ko nag crave nito, mula kasi nabuntis ako hanggang sa nanganak ako tinigil ko na pagkain ng fastfood. Ngayon nalang ulet kakain nito.. Gandang hapon mga ka noise! Tara po kain tayo meryenda! πŸ€—

@SisBhie

Umagang kay ganda mga ka noise! Tara na po mag almusal na, tinapay with scrambled egg! May naka abang na naman po.. haha! di ka pwedeng malingat kasi sa isang kisap mata wala na agad yang pagkain mo.. 😹

@SisBhie

Mag ka ingay na Globe users dyan.. may pa free internet si Globe. May 3gb at 5gb free, i-type lang po ang TREAT at isend sa 8080. Claim nyo na mga ka ingay pang online din dito sa noise.cash.. Gandang gabi sa lahat.. ☺️