Simpleng Gawain
**April 30,2021** Ako ay nabautismuhan saming Iglesia, **(Member Church of God International)** *May kanya kanya naman tayong pananampalataya, Nais ko lang ibahagi ang mga gawain ng aming Iglesia, *Kung may matamaan man ako sa inyong paniniwala ako ay humihingi na ng Paumanhin, ginagalang ko ang inyong paniniwala, wala akong intensyong sagasaan ang inyong paniniwala. ---> *2020 ito ang taon na ang mundo ay panandaliang huminto, dahil sa isang sakit na lumaganap at kumitil ng ng maraming buhay , nakaranas tayo ng pandemya hindi lamang dito sating bansa ( PILIPINAS) maging sa ibang bansa. Marami ang nawalan ng trabaho at hindi alam kung saan kukuha ng ipangkakain nila para sa kanilang pamilya, ang tulong ng ating Gobyerno ay hindi sapat upang matustusan ang mga Pangangailangan ng ating mga kababayan.* Libreng Almusal o Tanghalian
Ang aming **Iglesia ( Member Church of God International)** ay nagsasagawa ng Libreng Almusal o Tanghalian, Mula ng Nagka pandemic sating bansa hanggang sa kasalukuyan. Hindi man namin lahat kayang pakainin ngunit ginagawa namin ang lahat upang makapag paabot kami ng tulong o maging kasangkapan kami upang ang atiing mga kababayan ay maibsan ang kanilang gutom sa araw na iyon. May dalawang uri ang aming ginagawang proseso upang makapag sagawa kami ng aming libreng almusal o tanghalian, *Locale Feeding- Indibidwal na locale ang nagsasagawa ng Libreng Almusal na umaabot ng 150-200 participants ang mga nabibigyan ng libreng Amusal. Kadalasan ang aming Pagkain ay* *KAPI- Kape, Pandesal at Itlog *LAI- Lugaw At Itlog *Zone Feeding- Apat o Higit pa ang locale na sumasakop sa Zone Feeding, nagtutulong tulong ang bawat locale upang makapagbigay ng libreng Almusal o Tanghalian umaabot sa 300 o higit pa na Participants ang nabibigyan ng Libreng Tanghalian. Kadalasan ang aming Pagkain ay* *LongKaLog-Longanisa, Kanin at Itlog *SkinKaLog-Skinless, Kanin at Itlog At marami pang ibang Menu..
Isa sa mga Aral nais naming ibahagi sa iba... **SALAMAT SA DIOS!!** Sa DIOS ang dapat Pagpapasalamat dahil kami ay kinangkasakapan lamang nya upang magawa ang kanyang kalooban, hamak lamang kaming alipin na gumagawa ng kanyang Nais upang ipakilala ang kanyang Karangalan.. **SA DIOS ANG LAHAT NG KARANGALAN AT KAPURIHAN MAGPAKAILANMAN!!!!** Mula ng nakasama ako sa ganitong gawain ang puso ko ay sobrang saya lalo makakita ka ng ibang tao na may ngiti sa kanilang labi at ang kanilang usal ay SALAMAT SA DIOS. hindi natin magagawa ang isang bagay kundi dahil sa awa't tulong ng ating Dios. Ipagpasalamat natin ang bawat nagagawa natin sa Dios, lagi nating isipin na wala tayong magagawa kundi dahil sating Dios. "kung ikaw ay nahihirapan at may tumulong sayu kanino ka dapat magpasalamat? Hindi baga dapat higit ang pasalamat natin sa Dios? dahil nagbigay siya ng isang kakasangkapanin niya upang ikaw ay matulungan." SALAMAT SA DIOS!! --->END<---
No comments yet