read.cash Log in
S@Simpleghurl more from that month

Pag umiiyak o nag ta-tantrums ang mga anak natin, ang nakikita lang natin ay yung pag tantrums nila. Pero ang totoo, hindi lang nila masabi na, "Mama/Papa, tulungan mo po ako. Hindi ko ma-control ang emosyon ko kaya ako umiiyak." Minsan po kasi, baka naiisip natin na, "Ano ba tong anak ko? Bakit iyak ng iyak? Brat ba siya? Hindi ba siya mabait na bata? Tama ba pagpapalaki ko sa kanya?" Okay, una po, ang tantrums ay normal sa mga bata 1-3 years old (up to a certain point). Pangalawa, hanapin ang dahilan kung bakit sila nag ta-tantrums, gutom ba sila? Pagod o stressed? Ang mga emosyon para sa mga bata ay napakalaki para ma-handle nila. Wag natin sasabayan ng stress ang matinding emosyon nila. Tulungan natin sila na ma-handle ito. Palaging iisipin na mabait ang anak mo. See the light in him/her. Pag mahinahon na ang lahat, saka ipaliwanag sa bata ang mali niyang nagawa. Matalino ang mga anak natin at maiintindihan nila tayo☺️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.