Uyyy pagod ka na naman sigurado. Sa pag-aalaga ng mga bata. Paglilinis ng bahay at paglalaba. Nag-isip ka na naman ng uulamin sa maghapon ano? At baka nga pati pambili ng ulam at pagkain inisip mo pa. Nasagad ang pasensya at napagod ka din ba sa pagtuturo ng module? Pero kailangan mong magpigil at baka manggigil. Nakakapagod yun ha. Nagmamadali ka din bang maligo at baka umiiyak na si baby? Hindi na halos nakapag hilod at nakapag sabon ng maayos? Yung 'ligong uwak' daw ba.😅😊 It's okay to SLOW DOWN, Ma. Okay din mag rest ha. Okay din mag BREAK. Okay din mag K-Drama or manood ng movie ha. Okay din lumabas minsan na di kasama ang buong pamilya. Kailangan mo yan. At higit sa lahat mabuti na lang gabi na, pwede na tayong magpahingang mga INA.❤❤ Goodnight ka mommies and daddies time to rest na.bukas ulit... slamat sa mag hapong pag sama sakin.. God bless
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet