Ang hirap maging nanay Kapag may trabaho ka, hindi mo daw naaalagaan ang anak mo. Kapag wala kang trabaho, asa ka lang daw sa asawa mo. Kapag tumaba ka, wala ka daw kasing ginagawa. Kapag payat ka, di mo naaalagaan ang sarili mo. Kapag nagaayos ka, feeling dalaga ka daw. Kapag hindi ka nagayos, nalolosyang ka naman. Kapag gumawa ka ng gawaing bahay, hindi pa din sapat. Kapag nagpahinga ka, palagi ka naman daw nakahilata. Kapag nanay ka, napakadami mong naririnig. Mga opinyon at panghuhusga kaya di mo na alam kung saan ka lulugar. Hindi madaling maging nanay pero ang mahalaga ay alam natin na di tayo nagpapabaya. Alam natin na ang mga ginagawa natin ay para sa kanila. Respeto at pag-unawa, yan ang kailangn ng isang ina. #MomshiesDiary
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet