read.cash Log in
S@Simpleghurl more from that month

MOMENTARY PARENTING Parang kailan lang nasa tiyan ko sila. Tapos nung lumabas sila laging nakadede sakin. Sumakit din balakang ko nung mga time na nag-aaral silang maglakad. πŸ˜… Ngayon ang huhusay na maglakad! Di na dumedede sakin at lalong di na sila ulit kasya sa tiyan ko. πŸ˜‚ Tapos na ang season na yun ng padede, padighay, patulog at palit diaper. Nung andun ako sa season na yun feeling ko β€œforever” na yun πŸ˜… Pero ang bilis lang pala talaga. 😌 Totoong bawat simula may wakas. Part of the journey is the end. Tapos na yung season na ambango-bango ng hininga at kili-kili nila πŸ˜… Tapos na yung season lagi ko silang suot kahit saan ako magpunta. Tapos na yung season na nakakatulog sila sa dibdib ko. Walong taon palang akong magulang pero ang dami ng natapos πŸ˜” Noon gusto ko lumaki na sila agad kasi nakakapagod πŸ˜… Pero pag nakikita ko baby pictures at sila ngayon, hinihiling ko na wag naman sila agad lumaki πŸ˜† Forever nila akong Nanay pero may katapusan ang β€œparenting” ko sa kanila. (Parenting is the actual act of raising a child. Hindi sila forever bata, lalaki sila kaya matatapos din ang pagpapalaki ko sa kanila) When that time comes, I will make sure na… Nasulit namin talaga bawat season ng life nila. Nabuild namin ang foundation nila. Na-equip namin sila ng mahahalagang life skills. May takot at matinding pagmamahal sila sa Dios. Wise sila. Ready sila anuman ang dalhin ng buhay sa kanila. Alam nila ang purpose at calling nila. Secured sila sa identity nila. Kaya nilang maghintay at piliin ang lalaking hinanda ng Dios para sa kanila. Magiging mabuting asawa at ina sila. Isang araw papakawalan ko sila. Pagdating ng panahon na yun, ready ako. Confident ako at excited sa sariling journey na tatahakin nila β™₯️ BUT for now, tututukan ko sila. Titiyagain at pagsusumikapan kong maging mahusay at mabuting magulang sa kanila. πŸ’– #IntentionalParenting #TakingMyTime #SavorTheMoment #RaisingTheFuture #Homeschooled

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.