Ito na po ang nemtree namin sa paso lumaki na sya kulang nalang ng lupa hindi pa ako nakakakuha pag may time kukuha talaga ako para hindi masira o mamatay ang nemtree namin. Maganda ito bago kami magkape umiinom ako ng kaunti na pinakuluan nito ang kagandahan nito maganda sa pakiramdam ko lumakas ministration ko every month. Di ko naman po sya ini po promote ito ay batay lamang sa aking karanasan kaya nga ito at nakaisip kami ni mother magbuhay ng nemtree dahil hindi ka basta basta makakahinge nito sa kapit-bahay. Kami yung tipo ng tao na nahihiya basta basta manghine dahil syempre hindi naman natin hawak ang bawat kaisipan ng tao. Sa kabila nito patuloy ang panalangin ko na nawa ay manombalik na sa dati ang nanay at tatay ko gumaling na sila at ilayo mo po kaming lahat sa anumang kapahamakan at sakuna. Lord nawa po ay matapos na ang nagpapahirap na ito sa sangkatauhan amen.
3 comments
Parang kahawig po sya ng dahon ng lagundi Kakaiba yong design ng dahon..
Ang ganda niyan ka-noise! Hindi ba lumalaki iyan na parang naging puno o iba ang naisip kong halaman..
ang mundo ay minsan malupit ngunit kailangan mong ipaglaban ang iyong karangalan. Nais ko sa iyo ng lakas at pasensya para sa laban na ito.