Balik tayo sa kape guys pahinga muna sa luya para naman ma miss ko amg luya medyo mahal na rin pati ngayon ang kilo ng luya guys yan ang true kaya napahinga muna tayo. Wish ko lang may sarili kaming lupa at bahay dito. Sana Lord bago man lang ako tumanda matupad ko ang mga wish ko sa aking pamilya yun ay ang magkaroon ng maayos na tirahan na sarili at di habang buhay mangungupahan. Yung masasabi mo o matatawag mong iyo. Lord nawa po ay manumbalik na ang lahat sa normal. Gumaling na po sana ang aking tatay at nanay, ilayo mo po sa anumang kapahamakan at sakuna. Lord lubos po akong umaasa na kayo nawa ang maghari sa sangkatauhan. Amen
1 comment
Paonti onti matatapos din ang lahat ng paghihirap natin at manunumbalik sa normal ang lahat