Maikli lang ang buhay kaya dapat pahalagahan. I enjoy natin ang buhay at gumawa ng tama sa kapwa . Habang nabubuhay itama ang mga maling nagawa, upang kapag ikaw ay nawala na sa mundong ibabaw ay maalala ka ng mga tao na ginawan mo ng mabuti. Gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa atin pero dapat ay nasa tama. Iwasan ang mang husga sa kapwa bagkus ay i focus mo ang iyong sarili sa mga bagay bagay na makakatulong sa iba at saiyong mga kasama sa buhay. At sa lahat huwag kang makalimot sa poong lumikha sa lahat ng bagay maging ano pa man ang iyong nais maganap sa iyong buhay. Mahal ka ng diyos kaibigan yan ang palagi nating tandaan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet