read.cash Log in
@Simpleace more from that month

Masakit pala ang masaktan lalo kapag mahal mo ang isang tao. Dahil almost 6 years na kayo mag jowa tapos bigla isa sainyo ang bibitaw dahil may mahal na syang iba ang sakit diba. Nakakalungkot man at nakakapanghinayang dapat nang tanggapin upang palayain ang puso niyang matagal nang nakakulong at makalaya. Kung hindi na tayo mahal ng taong mahal natin why not diba kung saan sya masaya ay di bahala sya. Ang pagsisisi minsan naman laging nasa huli at wala sa una. Mahirap pala maging kampanti na akala natin hindi tayo iiwan ng mga taong mahal natin. Kapag pala nagsawa na sila iiwan rin nila tayo. Di nya siguro kinaya ang LDR kunwari kaya niya pero hindi pala malalaman mo nalang may ibang nilalandi na at na wrong send pa. Okay lang i trit ko nalang ito as positive baka talagang hindi sya para sakin at may nakatakda na iba para sakin. Thanks God at pinalalakas mo po ang kalooban ko parati.

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.