read.cash Log in
@Simpleace

@Simpleace in December 2022

@Simpleace

Yes this is it gabi na naman kakatapos lang ulit kumain sana ganito lagi ang weather maulan medyo lumalamig ang panahon. Maging anuman ang ating ginagawa sa oras na ito huwag natin makalimutan na parating magpasalamat sa ating mga natatanggap. Nawa ay manatili sa ating mga puso ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan maghari nawa ang kasaganaan at kaliwanagan sa bawat isa. Blessed evening to all.

@Simpleace

Maaliwalas ang umaga. Sana hindi lumakas ang init dahil hindi nakakatulong sa ating katawan. Kung kinakailangan mag ehersisyo at magsumba para mabatak ang ating mga kalamnan. Masayang gawin ang mga ito para hindi rin tayo mainip kungbtayo ay nasa ating tahanan lamang. Sa mga paasok today ingat po.

@Simpleace

Kung mag i stay man sa atin ang isang tao ng pilitan huwag na nating ipilit para sa bandang huli hindi tayo masaktan. Ang mahalaga di pa huli ang lahat. Nabuhay naman tayo na iisa lang lumabas sa sinapupunan ng ating mga nanay di naman natin palaging may kasama lalo nat hindi na tayo mahalaga sa kanila.

@Simpleace

Malungkot man yung araw konngayon nag ka disminorhia ako okay lang , Atleast normal ang buwanang dalaw ko. Mas okay last month di ako masyadong na antakan dahil hindi ako nakaramdam. Kaya pala medyo iritable rin ako nitong mga huling araw. Nakakaantok sana kaya lamang hindi ako antokin ,paanu sakit naman talaga. Nakakalungkot kapag dito lang sa bahay gusto ko pa naman sana lumabas kami ni mother para makagala man lang sana kaso ganito ako sana mamaya wala na antak

@Simpleace

Gabi na naman hirap talaga kapag may dalaw tapos inantakan at nalalamigan masakit talaga napaisip ka nalang na sana naging lalaki ka nalang. Pero babae ka kaya tanggapin mo yan naubusan ako herbal medicine ay yung sambung maganda sa matres yun napapangiwi nalang ako kapag humihilab

@Simpleace

Hapoy Sunday morning im still on bed dahil like ko pa katulog medyo napuyat kase ako sa imo syempre kailangan ko na rin libangin ang aking sarili at mag moveon sa kasalukuyan kong nararamdaman para hindi naman ako lubusang masaktan kawawa naman kase ang sarili ko kung pati magmamahal ay ni isa wala syempre alam ko naman na may tamang tao para sakin.

@Simpleace

Salamat sa mga nagtuturo sa akin ng mga biyaya dito kahit papanu hari nawa makaipon ako pam pasko lang at mabayaran ibang mga bills na dipa nababayaran. Di naman talaga natin maiwasan na ma short sa pam bayad lalo at nagtataasan ang mga bilihin. Kahit masakit yung puso ko nalilibang naman ako dito sa aking ginagawa ngayon.

@Simpleace

Hindi man tayo ipinanganak na mayaman ang mahalaga marunong tayong rumespito sa kapwa sapagkat yan ang bagay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa mo. Let the person express their own feelings minsan ang iba may rason may problema kaya nagiging iba ang ugali kaya huwag rin natin sila i judge tao rin sila baka kaya sila ganoon ay dahil sa kinalakihan nila ang ilan kaya na mga tao ay napaka judgemental kaya minsan nawawalan rin respeto ang iba sa kapwa nila.

@Simpleace

Nagpapasalamat ako sa dalawang nag bahagi sa akin ng idea para magkaroon ng extra pa na income hoping tuloy tuloy na ito. Nakakataba ng puso sana Lord i bless mo pa ang mga taong may ginituang puso gaya ng mga nagbabahagi na ito.

@Simpleace

Magandang araw ng Tuesday mga lods happy ako ngayon sana mag tuloy tuloy ang dating ng mga biyaya bago mag Christmas para naman kahit aanu masaya ang lahat. Natutuwa ako na makita sa mga newsfeed ninyo na lahat ay masaya sa mga mababait na patuloy na nagbabahagi ng kanilang kaalaman at hindi pinagdadamot shout out sa inyong lahat. Sa mga bago kong kaibigan stay connected po.

@Simpleace

Yes kakarating lang ng boarding house nakakapagod nalang isipin na lagi nalang umuupa yan lang naman sana ulit ang ultimate wish ko sa ngayon. Sukdulang magkayod kalabaw gagawin ko gusto ko rin hindi umuupa ng bahay kahit maliit basta matatawag na sarili. Mas okay kase ang may sariling bahay yung sasahurin pwedi ko na sana maging savings. Kaso lang dami ko pa utang mahirap talaga maging bread winner sa pamilya.

@Simpleace

Mapagpalang umaga sa lahat araw ng miyerkulis kape muna tayo painit sikmura bago maligo. Kaya naman ako ito nag eemote muna bago magkape. Ika nga harapin ang umaga na may ngiti sa labi para i bless tayo ng marami ni Lord. Masarap ngumiti lalo kung may biyaya at pag mamahal tayong natatanggap mula sa kanya. Kaya huwag tayong mahiya na magpasalamat sa mga bagay na ating natatanggap sa kanya upang patuloy nya tayong pagpalain.

@Simpleace

Bilis naman ng oras. Nagbaka sakali ako na ambunan gaya ng iba kaya lang inalat talaga ang account ko wala kagabi ni isang pasok sa mga kinita ko. Nakakatug iy rin kapag isa sa inyo ay d mo nakikita. Minsan lang ang buhay kaya bawasan natin ang ating kasamaan ng ugali sa ating kapwa matuto tayo magpakumbaba.

@Simpleace

Kung mahal mo talaga ang isang tao hindi ka gagawa ng ikagagalit nya. May respeto at may paggalang ka saan kaya ulit ako makakatagpo ng matino at totoong lalaki na hindi mananakit ng puso. Swerti naman ng iba mabait na asawa at hindi tumitingin sa iba saludo sayo kung isa ka po doon.

@Simpleace

Gabi na ulit nakakalungkot kapag gabi na yung nangungulila ka sa taong dati ay naging bahagi ng buhay mo ngayon ay bihira mo na makausap. Daanan hindi man message hindi man nakakapanibago lang talaga hirap masanay sa kalungkutan naghahanap ng karamay at kausap yung sasalo sa puso na minsan nang sinugatan.

@Simpleace

Sa buhay hindi ka dapat maging mahina kailangan nating lumaban sa hamon ng buhay. Sapagkat ang sumusuko ay isang talunan. Iisang tabi muna ang magbibigay ng stress sa bawat isa. Upang gaing maayos ang ating pamumuhay. Huwag tayong mag isip ng ikapaahamak ng ating kapwa. Hindi magiging maganda ang kalalabasan kung ano ang ayaw mong gawin sa sarili mo huwag mong gawin sa iba.

@Simpleace

Nakatulog ako ng maagap kanina dahil siguro sa pagod dami ko kase ginawa sa work. Okay lang basta mahalaga natapos ang aking gawain ng maayos. Malapit na ang pasko ilang tulog nalang hari nawa ay umulan ng maraming pagpapala sa bawat isa. Maging ano man ang ating kalagayan sa buhay dalangin ko na maging masaya ang pagpasok ng pasko sa ating buhay.

@Simpleace

Tanghalian na naman guys kain time tayo wala ako ibang maisip maiulam kundi galonggong prito muna ngayon tamang update muna dito kay noise habang nagluluto. Nais ko lang kayo kumustahin ano na balita. Medyo kumalam na sikmura kaya nakaisip magluto. Naku sana may dumating na biyaya para may pang Christmas man lamang plan ko sana bumili new cp para mapalitan ko na itong nag ha hung ko na cp.

@Simpleace

God is with us all the time. We cannot compare other people kung ano kayroon sila matuto tayong tumayo at magsikap sa sarili nating mga paa. Gaano man ito kahirap kailangan nating lampasan upang matugunan at malutas ang iyong iniisip. Sa pamamagitan nito mawawala ang inggit sa iyong puso. Isipin natin na balang araw ay makakamit rin natin ang tagumpay na ito at sabayan ng pananalangin.

@Simpleace

Ilang tulog nalang talaga pasko na pero yung puso ko para paring dinudurog dahil sa di maiwasan malungkot. Ganito talaga ako minsan nag sisenti dahil sa pag kasawi ng puso. Alam ko balang araw makakalimot rin sa nanakit sa aking puso. Mas may mahahalaga pa akong bagay na dapat ayusin kaysa sa kanya dahil hindi sya worth para sakin. Hoping na dumating na ang para sakin na di ako lolokohin.

@Simpleace

Christmas is coming may mga nabalot naba tayo sa mga inaanak natin ako wala pa dahil medyo di a makabili sabi ko baka cash nalang kahit hindi kalakihan basta bukal sa puso. Mahirap kase buhay ngayon kailangan natin higpit sinturon para kahit papanu maka survive tayo. Maging matipid tayo hindi sa pagiging kuripot dahil mahal ang bilihin subalit wala naman pag taas ng sahod nakakalungkot hari nawa ang lahat ay saya nag maghari ngayong papasok na taon 2023 at syempre ngayong…

@Simpleace

Makulimlim na hapon sa ating lahat medyo maulan huwag kalimutang magdala parati ng payong para iwas sakit. Uso ngayon mga sakit dahil madalas init ulan. Delikado kung hindi tayo magiingat kapag may sakit hindi tayo makakakilos ng normal. Kaya tamang gawin kumain tayo ng masustansya na pagkain bilang panglaban na rin sa mga karamdaman.

@Simpleace

Nalulungkot man ako ngayon bukas babalik ang saya . Sadyang ganito lang talaga sa ating mundong ibabaw may lungkot at may saya. Makaramdam ng sakit at pighati pero kung patuloy tayong mananatili dito sobra na subukan nalang nating mag moveon sa mga bagay bagay kaysa may self petty. Nakakalungkot lang talaga hindi maiwasan gusto kong i enjoy ang bawat araw sana at maranasan ang minimithi kong pangarap gaya ng magkaroon ng sariling tahanan kasama ang aking ina. At balang araw…

@Simpleace

Hindi nakapag post dito ng 2 days. Bawi ngayon. Kumusta na kayo. Sobrang happy dahil maraming natanggap na regalo. Nakakataba ng puso kapag naalala tayo ng taong mahalaga sa buhay. Napapangiti nalang ako habang nakatingin sa mga natanggap.

@Simpleace

Hindi nakaligo dahil walang tubig ang nakakakinis kase dito gabi lang talaga nagkakatubig hindi gaya ng dati malakas ang tulo ng gripo. Ngayon sobra pahirapan na kailangan may ipon kang tubig. Bakasyon is real muna ako pass muna sa work tamang focus sa mga extra kitaan at reels and YouTube nakakainip rin pag wala pumapasok na piso tsaka pansin ko bumababa si BCH bakit kaya.

@Simpleace

Tara guys kain tayo ng cup noodles bihira lang naman masama ito kapag araw-araw. Basta go lang tayo at masaya tayo sa ating ginagawa maging busy man tayo sa ating buhay tiwala lang lagi sa sarili na ating mga minimithi sa buhay ay matutupad maging matatag lang sa anumang oras at pagkakataon. Sikapin na umangat ang sarili iwasan ang mag self petty.

@Simpleace

Mapagpalang hapon sa lahat kain tayo mga idol ang ulam ay pusit na dilata buti nalang may stock pa. Ubos na ang stock sana may dumating na biyaya para kahit papanu may stock pa. Malakas kase ang ulan sa labas kaya naman tamang bahay lang mahirap maglakad sa baha nakakadiri sa madaling sabi dahil marumi.

@Simpleace

This is another great day ilang days nalang pasko na nakakatuwa lang yung pamilya na sama sama ngayong darating na pasko walang manloloko may pagmamahal sa isat isa hindi nakikinig sa solsol ng iba nakakalungkot lamang dahil may mga ilang tao na madaling masolsolan na dapat sana ay okay ang pagsasama ng bawat isa. Lord kayo na po bahala sa mga tong mapanolsol sa kapwa. Amen idinadalangin ko po sila saiyo na nawa ay matauhan o kung di matauhan pasukin nawa ng karma.

@Simpleace

Happy morning everyone bilis naman ng araw malapit na talaga at ilang tulog nalang pasko na. Kahit medyo hindi happy ang pasko ko kakayanin ko para lang hindi mapangit ang pasok ng taon sa akin alam kong malalampasan ko rin ang kalungkutan sa aking puso. Sinusubukan ko nalang sarili ko na libangin sa ibang bagay.

@Simpleace

Masarap ang maghapon ko tamang fbreels kami ni mother nakakalibang gumawa mga content kapag may nag support. Tuloy tuloy lang upload wala namang mawawala kung susubukan bunos nalang kung kikita tayo sa mga ginawa nating video. Masarap mabuhay kapag may na support sayong mahal sa buhay isa na rito ang pinakamamahal kong ina.

@Simpleace

Ganda ng araw sa labas sarap gumala lalo na kung may biyaya para may handa man lamang this Christmas diba para masaya. Okay lang na kaunti ang handa ang mahalaga healthy tayo at malakas.

@Simpleace

Yung kamag anak mo na nakakaalala lamang kapag magpapasko mangungumusta lang kung pasko noong kalagitnaan wala alams na hay hahahaha wala ako masabi tsaka nakaka turnoff na rin ugali nila yung tipong sayo tapos biglang kakabila tinilusang kawayan kabila mag tilos pangit na ugali yun.

@Simpleace

Life is too short para ubusin ang oras sa isang taong puro negative ang nasa isip. Mas okay na libanagin ang ating sarili sa mga bagay na nagpapasaya sa atin. Mas maganda kung ang lahat ay magtutulungan at magkakaisa. Para sa ikatatagumpay ng inyong pangarap sa buhay. Hinga lang ng malalim para maibsan ang nasa puso mo. Tara meryinda muna tayo.

@Simpleace

Merey Christmas po sa lahat alam kong busy na tayong lahat mamaya gusto ko kayong batiin ng masaganang pasko at manigong bagong taoon sa inyong lahat. Ang pagbati ko na ito ay taos sa aking puso. Na busy ako ngayon sa reels taas po ang kamay ng mayroon support support tayo para sabay sabay umangat.

@Simpleace

Sensya na po sa nag pm hindi po ako mayaman. Kung mayroon po ako why not anyway tingin ko naman po talaga sa kanya ay need nya talaga help sa project raw nya. Kaso wala po ako mga kita ngayon eh tsaka hindi me sikat gaya ng mga iba. Kahit social media halos lahat ata sinubukan ko na wala talaga eh mahina ang appeal ko.

@Simpleace

Nakakatuwa yung isang account ni mommy sa Facebook andami nag a add unlike sakin sa isang araw naka 1k followers na agad sya sabi ko accept lamang mya ng accept magagamit nya sa pag ba vlog. Sa ngayon sabi ko sa kanya mag upload upload muna saka na niya ayusin ang Facebook nya okay naman at naka open ang professional mode. Sya nga pala kumusta na kayo dyan.

@Simpleace

Ang buhay ay maikli lamang kaya dpat itong ingatan at pahalagahan, kaya naman init muna tayo ng water at uminom kahit anong uri ng kape ba yan, ovaltine, milo o kung ano pa para maginhawahan ang ating mga sikmura. Malapit na mag New Year isang tulog nalang. At magpapalit na ang taon hari nawa ay ulanin tayo ng mga pagapala sa buong lumikha.