Good evening mga kaingay. Di ko pala ito na-ishare kanina dahil medyo busy na naman ako. Naglaba kasi ako kanina at ngayon tinatapos ko yung isang activity namin dahil deadline na bukas. Dahil tag bunga ngayon ng santol at napakaraming tinda sa palengke, naisipan ko na i-try gumawa nitong sinantolan. 20/kl pala itong santol dito saamen pero may ibang nagtitinda na 40/kl. Mahilig kami sa santol pero never pa kaming gumawa nito sa bahay. Natatakam ako sa mga nakikita ko na nagpopost dito ng ganitong klaseng ulam kaya naman nag luto ako kaninang tanghali pagkatapos ko maglaba. Syempre, ipinahanda ko muna yung mga ingredients lalo na itong santol na kailangan pang kayudin para iluluto ko nalang. Matrabaho pala ang ganitong klaseng ulam pero worth it dahil nasarapan ang family ko dito.
2 comments
Ang sarap nga nyan sis, nanay ko mahilig magluto nyan
sobrang sarap po nyan kaingay taob ang kaldero sakin...matrabaho kc ilang beses mo pigaan at lutuin ng matagal din..matakaw din sa gata yan