Guyabano Fresh harvest mga kaingay! Kakakuha lang n'yan ni mama kanina. Tinawag niya ako tapos tinuro yung bunga nitong tanim ko. Sabi nya tingnan ko daw yung bunga ng tanim kong guyabano. Malaki at malapit ng mahinog. Di ko na maalala kung anong taon ko yan naitanim, basta ang alam ko, bata pa ako e' namana ko na sa magulang ko ang hilig sa panananim. Tuwing nakakakita ako ng mga tumutubong maliliit na kahoy sa gilid gilid dito sa'min ay kinukuha ko at inililipat ko sa maayos na lugar para sila'y malayang lumaki. Kaya ayan, may ilang puno ng guyubano akong tanim dito sa'min. Yung iba ay natumba at namatay dahil sa nagdaang bagyo. Meron naman ako sa likod na malaking puno ng santol, hinihintay ko pa kung kailan mamumunga. Nasa elementary palang ako nun sa pagkakaalam ko nung tinanim ko yun sa may bandang likod ng bahay namin.
No comments yet