Merienda time, noisy pipz! Lumabas kami saglit ng bf ko. Kapag meron syang extra, madalas niyaya nya talaga ako kumain sa labas. Food lover ba kaya feeling ko tumataba na ako hahaha. Di naman kami maarte sa foods kaya go lang kami ng go kung saan yung mura basta yummy yung foods. Eto, nakakuha kami ng bagong kainan since di ko bet dun sa isang kinakainan namin. Medyo may kalayuan saamen pero gora lang hahaha hulaan niyo kung magkano lang to, jk. Favorite ko tong kainin mga mate, gusto ko kasi yung may sabaw. Bet na bet ko yung pagkakaluto nila, basta malasa. ₱25 lang pala to mga kaingay hehe kaya lang ng bulsa namen. Tapos yung barbeque, ₱15 lang pero sulit yung lasa, manamis namis at di nakakaumay. Pangalawang beses na namin kumain dito. Sa susunod, kakain ulit kami dito hahaha sana wag naman biglang magsara katulad ng ibang kinakainan namin.
No comments yet