My friend, Mcdo (tagalog version)

2 66
Avatar for Sheng04
3 years ago
Topics: Horror, True Story

Itong storya na ito ay tungkol sa akin or sa aming karanasan noon Highschool palang kami.

This is just a Tagalog version of my story. If you want to read in English here's the link 👇

https://read.cash/@YourHappiness/my-friend-mcdohorror-9ff459c9

Meron ang kaibigan na ang pangalan ay Mcdo. Tinawag ko siyang Mcdo dahil one time in our P.E class, She is wearing a T-Shirt na nakalagy si McDonald's, tinawanan namin sya dahil ang korni ng suot nya kaya tnwag ko nalang sya mcdo tutal ang tawag nya sa akin ay "Fefi".

Dahil doon naging close kame at naging mag Best friends. Lagi niyang kinukwento sa amin about sakanyang creepy past at hanggang noong highschool kami ay may nararamdaman padin sya. Pero nag desisyon ang kanyang magulang na ipatanggal ang kanyang 3rd eye sa Albularyo.. Noon ay minsan na lang sya nkakakita ng malinaw na multo at minsan ay blurred nalang ito. Sabi nya din na kapag malakas daw ito nakikita nya ng mas malinaw. Madalas nararamdaman nya ang mga ito. Madalas din siya makapanaginip ng nakakatakot at pag bangon nya dinodrawing nya agad ito para di makalimutan.

One time nga noong last class namin sa 2nd floor kame noon at nagtataka ko sakanya bakit nakatitig siya doon sa labas ng bintana, magkatabi kasi kami sa gilid ng bintana sabi nya nga sakin "Fefi may tao oh" Tinuro nya yung sa labas ng bintana sa baba pero wala ko nakita ang sabi ko nalang baka manuno siya kakaturo.

Yung sa labas na yun isang new building 2years pa daw bago ito ipagamit sa lahat, Araw araw daw nakikita nya yun at habang tumatagal lumilinaw ang imahe nito sakanya. Akala nga daw nya pinapanuod kami noon habang nagaaral pero sabi ni Mcdo yung sinasabi nya daw na multo is Naka Puting barong at walang ulo. Doon kinilabutan ako at nagsigawan yung mga classmate ko dahil narinig nila ang sinabi ni Mcdo.

May isa pa kong experience na hindi malilimutan .

Last class namin noon at natapos ng 7:10 Pm karamihan sa mga classmate namin ay nauna na para umuwi, nang nagyaya si Mcdo na magCr sinabi ko na doon nalang sa baba dahil yun nalang ang nagiisang Cr na bukas.. Tsaka nakakatakot yung ibang Cr doon..At pumayag naman ito.

Noong nasa 1st floor na kami lumayo kami sa kung saan nandoon ang Cr dahil mabaho at si mcdo lang ang pumasok doon . hinintay nalang namin siya sa labas pero makikita namin yung cr kung may papasok o wala medyo malayo din kami ni Pam. Habang nagaantay naguusap lang kami ni Pam about dun sa crush ko nung araw kasi nayan pinagtripan ako ng kaklase ko tinawag ba naman yung crush ko ayun hinahanap ako tapos ako nagtatatakbo at nagtago sa ilalim ng mesa 😂 Totoo yan! Di namim namalayan na tumatakbo na sa amin si Mcdo at putlang putla na akala mo nakakita ng multo, tinawanan nalang namin siya kasi ang pangit nyang tumakbo pero nagulat kami sa sinabi mya.. "Gagi! May nakita ba kayong pumasok sa Cr?? Takbo bilis!!" Walang ano ano tumakbo kami ng mabilis kahit di namin alam ang nangyari.

Nung nakalabas na kami ng school tinanong namin kung anong nagyare sa loob. Ang sabi niya noong nasa loob daw siya pumasok sya doon sa may 2nd cubicle dahil sa 1st cubicle ay para sa mga Teacher. Ang Itsura pala ng Cr is may 4 na cubicle at sa harap non is may malaking salamin at lababo. Ang pinto naman ng bawat cubicle ay may butas sa baba na kung saan makikita mo ang mga paa ng dadaan.

Nagulat si Mcdo noong may nagsalita na "Miyo" Akala nya hinahanap non ang kanyang kaibigan pero nakita nya itong dumaan papunta sa gilid at narinig nyang bumukas at sara ang 3rd cubicle. Dali dali nyang tinapos ang kanyang ginagawa at lumabas ng cubicle ng hindi tumitingin sa salamin dahil may napansin sya sa kanyang Peripheral vision at dahil ang dahil ang pinto ng 3rd cubicle ay unti unting bumukas.. Ang tibok ng puso nya ay sobrang bilis at ang kanyang mga paa at di na nya maigalaw.. Ayaw nyang tignan kung ano o sino ang nasa 3rd cubicle pero di nya na nakontrol kaya mabilis nya itong nilingon at ito ay pinagsisihan nyang ginawa, Isang studyanteng babae na sobrang haba ng buhok at ang mata nya ay sobrang itim at ang kanyang bunganga ay napakalaki na nakaupo at sobrang daming dugo.. Hindi sya makasigaw pero agad siyang tumakbo papunta sa amin.

Kinaumagahan nagkwento siya sa amin na napaginipan nya yung babae at sabi nmin idrawing niya para malaman namin ang itsura.. At noong nadrawing na nya at nakita na namin bigla nya agad itong pinunit. Nagtaka kami kung bakit pero natakot kami sa kanyang sumunod na sinabe "Yung babae na nakita ko.. Nasa likod natin sya". Nanindig ang balahibo namin noon at nagdasal nalang para mawala ang masamang aura.

Hindi lang dito nagtatapos ang kwento. Dahil magmula noon ginulo na siya nung babae.. Di ko to nasabe sa english version. Pero may part 2 pa to 😇

Tandaan kung may nararamdaman kayong hndi maganda. Tawagin lamang ang kanyang pangalan at magdasal ng taimtim 🙏

Hebrews 11:1 Now faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen.

Maraming salamat sa pag babasa!

10
$ 3.03
$ 3.02 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Maeeebz
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago
Topics: Horror, True Story

Comments

Ako pa lang na nagbabasa natakot na ako, grabe naman yan.

$ 0.00
3 years ago

opo madam ktkot yang kaibgan ko dti

$ 0.00
3 years ago