Walang ma post? Pwede copy muna galing kabila? hahaha Sorry na agad, lutang ei👻 kamusta ka? Dalawang salita pero ang hirap sambitin isang tanong na napakahirap sagutin karamihan ang sagot "okay lang ako" pero ang totoo "pwede bang ako'y tulungan mo?" Marami sa atin ang ganito nararamdaman ay pilit na tinatago ayaw ipakita ang tunay na laman ng puso kaya kahit hirap na , sasabihing okay lang ako Pero hindi ba nakakapag taka? na pinipilit nilang magtiis kahit mahirap na di iniintindi ang sarili matulungan lang ang iba dahil narasan na nila at ayaw nilang maranasan pa ng iba Kaya sa mga taong may pinagdadaanan wag kayong panghinaan marami parin namang tao ang handa kang tulungan at ikaw ay gagabayan sayong hinaharap na laban maging positibo ka, yan ang payo ng iba iwanan sa baba ang mga negatibong enerhiya iyong gawing inspirasyon, mga kaibigan at pamilya dahil sa mundong to, kailangan lumaban ka wag magpaka lunod sa lungkot, piliin laging sumaya dahil dito sa mundo lahat sila'y mapanghusga iangat ang yong sarili at huwag isipin ang iba basta alam mong nasa tama ka.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet