Nakatulog ako saglit pero parang nahilo lang ako sa pagkakahiga ko 😅. Ang ending nagugutom na ako ulit. Oras na para bumili ng meryenda hehe. Ang tagal nung mga naglilibot na nagtitinda ng mga sari-saring meryenda eh alas tres na ng hapon dapat nadaan na ang mga yun o baka naman nalampasan na ako kasi nakatulog ako 🤣. Dibale bibili nalang ako sa tindahan kahit tinapay para mabusog lang ako ngayon. Muli nanaman dumilim ang langit at nagbabalak ulit umulan mamaya. Huwag lang kikidlat at kukulog dahil nakakatakot kapag may ganun pa, ulan nalang kung uulan 🤣. Ano po ang meryenda niyo ngayon? Pwede ba makikain nalang ako sa inyo para makatipid ako ngayon 😅. Gandang hapon sa inyo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet