Sinigang na hipon 🦐 Iyan po ang niluto ko kaninang lunch. Tama lang yung timpla ng asim ng sabaw. Madami ako nakain na rice kanina kaya hanggang ngayon ay busog pa din ako. Sakto naman umulan pa kanina kaya naman malamig ang panahon, mas masarap kumain ng may sabaw 😋. Dahil hipon ang ulam namin ngayon mamaya dilis at tuyo naman hehe. Nasaid namin yung laman ng kaldero pati sabaw ay ubos haha. Masarap talaga ako magluto na hehe.
18 comments
Tamang tama sa panahon yarn ayon umulan na.
Oo nga sakto at umulan pa hehe.
aguuuy luto na.. pahinge na ng sabaw.. tulo na laway ko🤤🤤🤤
Amin na po ang lagayan mo.
Nako tataob talaga ang kaldero kapag ayan ang ulam kahit kami ganyan din eh hahaha
Said na talaga haha
Naku amg sarap naman niyan.
Ako po kasi ang nagluto.
Dami ko nang nakain na putahi but never pa talaga sa sinigang na hipon:D
Masarap din ang sinigang na hipon promise.
Uy ang sarap ng ulam.
Ngayon lang ulit nakabili ng hipon 😋
tingin plang ulam n tlga, patikim nga king masarap k tlga magluto hehe
Kangkong at labanos lang lahok niyan hehe.
Luto n ang sinigang na hpon mo sis. Yummy
Lahat kami nabusog dahil diyan.
Wow pareho ang ulam natin Doll. May bagoong pang katapat.Yummy .
Sarap ng bagoong din.