read.cash Log in
@ScarletDoll more from that month

Ginisang Repolyo πŸ˜‹ Iyan po ang ulam namin ngayon, ginisang repolyo naman po. Simple at madaling lutuin po. Hinaluan din namin ng konting itlog para mas masarap. Hindi na namin nilagyan ng karne na panggisa yan kasi mapapamahal ang gastos hehe. Masarap naman po ito at mabuti din na kumain ng gulay para naman mas masustansya ang kainin diba. Sa panahon ngayon kailangan din huwag maging maarte sa uulamin at kung kaya magtipid ay gawin at isa sa importante ay huwag mag aaksaya ng pagkain πŸ€—. Napakainit ulit ngayon pero mas mabuti na din ang ganitong weather kaysa umuulan dahil ang hirap din kumilos sa labas ng bahay kapag naulan. Dahil nakaluto na ng ulam at nakapagsaing na din ay pahinga muna habang naghihintay ng oras ng lunch πŸ˜‹. Kayo din ba ay nakapagluto na?

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.